Ang soufflé o suple ay isang putahe ng inihurnong itlog na nagmula sa Pransiya noong unang bahagi ng ika-18 siglo. Pinagsasama sa iba pang mga sangkap, maaari
Ang soufflé o suple ay isang putahe ng inihurnong itlog na nagmula sa Pransiya noong unang bahagi ng ika-18 siglo. Pinagsasama sa iba pang mga sangkap, maaari itong ihain bilang malinamnam na ulam o matamis na panghimagas. Ang salitang soufflé ay ang nagdaang partisipyo ng souffler, isang pandiwa sa Pranses, na ang ibig sabihin ay humiphip, huminga o magpapintog.[1][2][3]
Kasaysayan
Ipinapalagay na si Vincent La Chapelle, isang Pranses na maestrong kusinero, ang unang nagbanggit ng soufflé noong unang bahagi ng ikalabingwalong siglo.[1] Karaniwang natutunton ang paglinang at pagsikat ng suple sa Pransesang kusinera Marie-Antoine Carême noong unang bahagi ng ikalabinsiyam na siglo.[4][5]
Sangkap at paghahanda
Tipikal na inihahanda ang mga suple mula sa dalawang pangunahing sangkap:
isang pinalasang crème pâtissière (kastard),[6] sarsang krema o besamela,[6] o purée[2][6] bilang saligan
mga puti ng itlog na binati hanggang may malambot na tuktok[2]
Saligan ang nagpapalasa, at responsable ang puti ng itlog sa pagkaumbok ng putahe.[1][2] Kabilang sa mga pagkaing sinasahog para mabigyan ng lasa ang saligan ang mga yerba, keso at gulay[1] para sa mga supleng malinamnam; at halaya,[7] prutas,[8]beri,[9]tsokolate,[10]saging[11] at limon[12] para sa mga supleng panghimagas.
Karaniwang inihuhurno ang suple sa ramekin o suplehan: ang mga ito ay makintab, bilog at porselanang lalagyan na may ilalim na patag at walang kintab, mga gilid na patayo o halos patayo at inukit na gilid sa labas. Maaaring pahiran ang ramekin, o iba pang lalagyang panghurno, ng kaunting mantikilya para hindi dumikit ang suple.[6] Minsan binubudburan din ang ramekin ng asukal, mumo, o kinayod na keso tulad ng parmesano bukod sa mantikilya; pinaniniwalaan ng ilang kusinero na nakatutulong ito sa pag-alsa ng suple.[6]
Kapag naihurno na, maalsa at buhaghag ang suple,[2] at karaniwan itong babagsak pagkatapos ng 5 o 10 minuto (kagaya ng umalsang masa). Maaari itong buhusan sa ibabaw ng sarsa, tulad ng matamis na sarsang panghimagas,[13][14][15] o ipares sa sorbetes.[16] Kapag naihain, maaaring butasan ang ibabaw ng suple gamit ang kubyertos upang maihati ito sa mga pirasong pang-indibidwal.[15]
↑Rombauer, I.S.; Becker, M.R.; Becker, E.; Guarnaschelli, M. (1997). Joy of Cooking [Kasiyahan sa Pagluluto] (sa wikang Ingles). Scribner. p. 1033. ISBN978-0-684-81870-2. Nakuha noong 17 Agosto 2015.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.