Sirius

Ang Sirius o Sirio ay isang sistemang ng bituing binaryo na nasa loob ng Canis Major, na mas "malaking aso" ng talampad Orion. Ito ang pinakamatinding na bituin

Sirius
Ang hitsura ng Sirius na nasa panggabing kalangitan.

Ang Sirius o Sirio ay isang sistemang ng bituing binaryo na nasa loob ng Canis Major, na mas "malaking aso" ng talampad Orion. Ito ang pinakamatinding na bituin sa himpapawid na panggabi; na mayroong isang magnitud na −1.46.

Ang Sirius A ay humigit-kumulang na dalawang ulit ang kalakihan kaysa sa Araw at mayroong isang Lubos na magnitud na natatanaw na 1.42. Ito ay 25 beses na mas makinang kaysa sa Araw,[1] subalit mayroong talagang mas mababang kaliwanagan kaysa sa iba pang mga bituing makislap na katulad ng Canopus o Rigel. Ang sistema ay nasa pagitan ng 200 at 300 milyong mga taon na ang edad.[1] Orihinal na ito ay binubuo ng dalawang matitingkad na mga bituing mabughaw. Ang mas malaki sa mga ito na Sirius B ay nakagamit na ng lahat ng enerhiya nito at naging isa ng higanteng pula. At pagdaka ay naghunos ng mga panlabas nitong mga patong o "balat" at lumugso upang maging nasa pangkasalukuyan nitong katayuan bilang isang puting duwende, humigit-kumulang sa 120 milyong taon na ang nakalilipas.[1]

Kasaysayan

Ang bituing Sirius ay tinawag ng sinaunang mga Ehipsiyo bilang Sopdet. Umasa sila sa bituing ito upang mahulaan kung kailan magsisimula ang panahon ng pagbaha.Kung minsan ang Sirius ay tinatawag na Bituing Aso (Dog Star sa Ingles). Ang pariralang Ingles na the dog days of summer o "ang mga araw ng aso ng panahon ng tag-araw (panahon ng tag-init) ay nangangahulugan na "ang pinakamaiinit na mga araw ng panahon ng tag-araw". Ilan sa mga sinaunang tao ang nag-isip na ang init na nagmumula sa Sirius ay makapagdaragdag sa init ng Araw.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Liebert, J.; atbp. (2005). "The age and progenitor mass of Sirius B". The Astrophysical Journal. 630 (1): L69–L72. arXiv:astro-ph/0507523. Bibcode:2005ApJ...630L..69L. doi:10.1086/462419. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |first= (); Invalid |ref=harv ()


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.