Ang Pistang Sinulog-Santo Niño (a.k.a Sinug) ay isang taunang kultural at relihiyosong pista na ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu, at nasa Lung
| Pistang Sinulog | |
|---|---|
Dala-dala ang Banal na Batang Hesus, kilala roon bilang Santo Niño, pinupuri ng Reyna ng Pista ang Banal na Bata kasama ang kanyang pangkat. | |
| Opisyal na pangalan | Pistang Sinulog-Santo Niño |
| Tinatawag din | Sinulog |
| Gunuginita ng | Lungsod ng Cebu |
| Uri | Relihiyoso / Kultural |
| Petsa | third Sunday in January |
| Dalas | Taunan |
| Unang pagkakataon | 1980 |
Ang Pistang Sinulog-Santo Niño (a.k.a Sinug) ay isang taunang kultural at relihiyosong pista na ginaganap tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu, at nasa Lungsod ng Cebu ang sentro ng aktibidad. Itong pista ang sentro ng mga Kristiyanong pagdiriwang kay Santo Niño sa Pilipinas.
Itong pista ang itinuturing na pinakamalaking pista sa buong Pilipinas; umaakit ang bawat pagdiriwang ng pista ng 1 milyon hanggang 1.5 milyong tao bawat taon.[1] Bukod sa relihiyosong aspeto ng pagdiriwang, sikat din ang Sinulog dahil sa mga parti sa kalsada, kadalasang nangyayari sa gabi bago at sa gabi ng pangunahing kapistahan.[2] Binansagan ang pista ng "Pinakadakilang Pista sa Pilipinas."[3]
Ipinagdiriwang din ng ibang mga lugar sa Pilipinas ang kanilang sariling bersiyon ng pista bilang parangal kay Santo Niño, sa loob man ng Cebu kagaya ng Carmen, o sa labas ng Cebu, kabilang dito ang Tondo, Maynila, Kabankalan, Heneral Santos, Maasin, Cagayan de Oro, Butuan, Pagadian, Balingasag, Misamis Oriental at Don Carlos, Bukidnon.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.