Shopee

Ang Shopee Pte. Ltd., sa ilalim ng pangalang pangnegosyo na "Shopee", ay isang multinasyonal kompanyang panteknolohiya mula sa Singapura na e-commerce ang pangu

Shopee
Shopee Pte. Ltd.
Shopee
UriSubsidiyariyo
IndustriyaE-commerce
Itinatag5 Pebrero 2015; 11 taon na'ng nakalipas (2015-02-05)
Queenstown, Singapura
Punong-tanggapan5 Science Park Drive, Shopee Building, Singapura 118265
Pinaglilingkuran
Pangunahing tauhan
Forrest Li (Nagtatag)
Chris Feng (CEO)[1]
MagulangSea Limited
SubsidiyariyoShopee Japan Co., Ltd[2]
Websaytshopee.com

Ang Shopee Pte. Ltd., sa ilalim ng pangalang pangnegosyo na "Shopee", ay isang multinasyonal kompanyang panteknolohiya mula sa Singapura na e-commerce ang pangunahing negosyo. Isa itong kompanyang sangay ng Sea Limited na inilunsad noong 5 Pebrero 2015 sa Singapura.[3]

Kasaysayan

Noong Pebrero 2015, inilunsad ang Shopee sa Singapura bilang isang pamilihang nakasentro sa mobile kung saan maaaring tumingin, mamili at magbenta ng mga produkto ang mga gumagamit.[4] Isinama ang asset-light platform sa suportang lohistikal at pagbabayad, at sinasabing ginagawang mas madali at ligtas ang pamimili online para sa parehong mga mamimili at nagbebenta.[5][6]

Bahagi sa merkado

Noong 2019, nakapatala ang app ng Shopee ng 200 milyong download. Lumaki ang mga order (o hiling ng pagbili) mula 92.7% hanggang 246.3 milyon noong ikawalang sangkapat ng 2019, kumpara sa 127.8 milyon noong isang taon na nakalipas. Lumaki din ang gross merchandise value (GMV, o kabuuang halaga ng paninda) na umakyat sa 72.7% sa halagang US$3.8 bilyon noong ikalawang sangkapat ng 2019, kumpara sa US$2.2 bilyon noong isang taon na nakalipas.[7]

Sang-ayon sa ulat ng iPrice noong ikalawang sangkapat ng 2019, ang Shopee ay ang nangungunang app sa pamimili batay sa buwanang aktibong tagagamit, kabuuang mga dowload at pagbisita sa websayt, na mas mataas sa kakompetensya nito, ang Lazada at Tokopedia.[8] Sinalungat ang mga pahayag ng GMV na ito ng Lazada. Iginiit ng dating CEO ng Lazada na si Max Bittner na maaring madaling mapalaki ang mga datos "sa pamamagitan ng mga iskimang subsidiyo at ipinakita ng kasaysayan na bumabagsak palayo ang GMV habang tinatanggal ang mga subsidiyong hindi maganda."[9]

Mga sanggunian

  1. "Chris Feng".
  2. "ShopeeでJAPAN FINESTキャンペーンがスタート。海外現地モールで日本直送品の露出枠が拡大。" (sa wikang Hapones). 18 Agosto 2021.
  3. Lee, Yoolim (8 Mayo 2017). "Garena Rebrands as Sea After Raising $550 Million in New Funding". Bloomberg (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Marso 2024.
  4. Yap, Jacky (3 Agosto 2015). "Garena And Its Quest To Take Down Carousell With Newly Launched Shopee App". Vulcan Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Marso 2024.
  5. Ting, Lisabel (9 Setyembre 2015). "Safe, easy shopping with Shopee". The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Marso 2024.
  6. Lee, Terence (6 Nobyembre 2017). "How Shopee plans to reign supreme in Southeast Asia's fashion ecommerce scene". Tech in Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Marso 2024.
  7. "E-commerce platform Shopee confident of sustaining strong growth". The Star Online (sa wikang Ingles). 2019-10-18. Nakuha noong 2019-10-22.
  8. Tan, Zhixin (22 Agosto 2019). "iPrice report has Shopee down as the most popular shopping platform in Southeast Asia". KrASIA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-10-22.
  9. Balea, Jum (27 Setyembre 2017). "Lazada slams Sea's claim that Shopee is the top regional ecommerce player". Tech in Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Abril 2022.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.