Semilya

Ang tamod, tamud, punla, punlay, binhi, sihaypunlay o semilya (Ingles: semen) ay pluwidong naglalaman ng spermatozoa (tamod). Ito ay inilalabas ng mga gonad (gl

Ang artikulong ito ay tungkol sa isang selulang organiko. Tingnan ang tamod (pluido) para sa pluidong reproduktibo ng isang lalaki.
Mga gumagalaw na mga esperma habang pinagmamasdan sa tulong ng mga lente ng isang mikroskopyo.

Ang tamod, tamud, punla, punlay, binhi, sihaypunlay o semilya (Ingles: semen) ay pluwidong naglalaman ng spermatozoa (tamod). Ito ay inilalabas ng mga gonad (glandulang sekswal) at iba pang mga organong sekswal ng lalake o mga hermaproditikong mga hayop at maaring magpunlay (fertilize) ng itlog ng babae (ovum o ova). Sa mga tao, ang semilya ay naglalaman ng ilang mga bahagi bukod pa sa spermatozoa: ang proteolytic at iba pang mga ensima gaya ng fructose ay mga elemento ng semilya na nagtataguyod ng pagpapatuloy ng spermatozoa at magbigay ng medium upang malanguyan ng mga ito.

Paglalarawan

Ang terminong semilya ay tumutukoy sa selula ng lalaki para sa papaparami. Nagmula ito sa salitang Griyego na sperma na nangangahulugang punla. sa mga uri ng sekswal na pagpaparami na kilala rin sa tawag na anisogamy at oogamy, mayroong malaking pagkakaiba sa laki ng mga gametes. Ang maliliit na gametes ay tinutukoy bilag semilya o panlalaking selula. Ang isang uniflagellar na semilya na madaling gumalaw o lumipat ay tinatawag na spermatozoon, at ang mga hirap gumalaw o lumipat ay tinatawag na spermatium. Ang mga semilya ay hindi nahahati at hindi rin tumatagal ang buhay, ngunit pagkatapos ng pakikipag-isa nito sa pambabaeng selula o itlog, habang nasa proseso ng pagpaparami ay unti - unting nabubuo ang isang bagong organismo, na nagsisimula bilang isang totipotent zygote. Ang semilya ay haploid o pagkakaroon lamang ng isang set ng walang kapares na chromosome, ang 23 na mga chromosome nito ay maaaring sumugpong sa 23 na mga chromosome ng pambabaeng selula o itlog upang bumuo ng isang diploid cell o selula na mayroong kompletong dalawang magkapares na set ng chromosome. Sa mga mamal, ang semilya ay nabubuo sa bayag at inilalabas sa mismong ari ng lalaki. Maaari din itong makuha sa pamamagitan ng Testicular sperm extraction o ang pagkuha ng semilya mula mismo sa bayag. Ang semilya ng mga may-inunan ay binubuo ng ulo, katawan, at buntot. Ang mga bangko na nangangalaga ng mga semilya ay may kakayanang mangalaga ng hanggang sa 170 litro ng semilya.

Tingnan din

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.