Ang parsa o saynete ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan na malayong mangya

Ang parsa o saynete ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan na malayong mangyari.[1] Kadalasang hindi maintindihan ang balangkas ng saynete ngunit ang mga tagapanood ay hinihimok na huwag sundan ang balangkas upang hindi malito o malipos. Gumagamit din ang saynete ng mga pagpapatawang pisikal, ang paggamit ng sinadyang kalokohan, at malawak na di-makakatotohanang pagganap. Sinusulat ang mga saynete para sa tanghalan at pelikula. At saka, kadalasang nasa isang partikular na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan nangyayari ang lahat ng mga kaganapan.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.