Satira

Ang satira (Ingles: satire) ay isang henero ng panitikan, paminsan-minsang henero ng sining na grapiko at sining na itinatanghal, kung saan ang mga bisyo, mga k

Satira

Ang satira (Ingles: satire) ay isang henero ng panitikan, paminsan-minsang henero ng sining na grapiko at sining na itinatanghal, kung saan ang mga bisyo, mga kahangalan, mga kalokohan, mga katarantaduhan, mga kabaliwan, mga kaululan, mga pang-aabuso, mga kamalian, mga depekto, mga kakulangan, mga pagkukulang, mga kapintasan, at mga pagkapabaya ng mga tao ay inihaharap upang libakin at kutyain, sa paraang ideyal na ang layunin ay ipahiya ang mga indibidwal, at ang mismong lipunan, upang magkaroon ng pagbabago at pagpapainam.[1] Bagaman ang satira ay karaniwang nilalayong maging nakakatawa, ang mas malaking layunin nito ay madalas na konstruktibo, nakatutulong, nakabubuti, nakagagaling, nakabubuo, at nakapagbibigay-liwanag na panunuring panlipunan, na ginagamit ang kasistihan, talas ng isipan (kislap ng talino), pang-unawa at katalusan bilang isang sandata.

Ang isang karaniwang tampok ng satira ay ang malakas na ironiya (pambabaligtad) o sarkasmo (panunudyo)—"sa satira, ang ironiya ay militante"[2]—subalit ang parodiya, burlesk, eksaherasyon,[3] hukstaposisyon, paghahambing, analohiya, at dalawang kahulugan ay lahat na madalas gamitin sa pananalita at pagsusulat na satirikal. Ang ironiya at sarkasmong "militante" na ito ay madalas na nagpapahayag na pahintulutan (o sa pinakamababa ay tanggapin bilang likas) ang mga bagay-bagay na ninanais na atakihin ng satirista.

Sa kasalukuyang kapanahunan, ang satira na natatagpuan sa maraming mga pansining na anyo ng pagpapahayag, kabilang na ang panitikan, mga dula, mga komentaryo, at midya, katulad ng mga panitik o liriko.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Elliott 2004.
  2. Frye, Northrop, siping banggit[1] (manunuring pampanitikan).
  3. Claridge, Claudia (2010) Hyperbole in English: A Corpus-based Study of Exaggeration p.257
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-27. Nakuha noong 2018-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-27. Nakuha noong 2018-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-27. Nakuha noong 2018-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)

PanitikanSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.