Ang sashimi (刺身, Ingles /səˈʃiːmi/ sə-SHEE-mee, Hapones: [saɕimiꜜ]) ay isang pagkaing Hapones na gawa sa hilaw na isda o karne na hiniwa s

Ang sashimi (刺身, Ingles /səˈʃiːmi/ sə-SHEE-mee, Hapones: [saɕimiꜜ]) ay isang pagkaing Hapones na gawa sa hilaw na isda o karne na hiniwa sa maninipis na piraso at kadalasang kinakain kasama ng toyo.[1]

Ang salitang sashimi ay nangangahulugang "sinaksak na katawan", i.e. "刺身" = sashimi, kung saan 刺 し = sashi (sinaksak) at 身 = mi (katawan, karne). Nagmula ang salita na ito sa panahong Muromachi at posibleng inilikha noong naituring na ang salitang "切る" = kiru (hiwa), ang hakbang sa pagluluto, ay hindi kanais-nais na gamitin ng sinuman na hindi samurai. Maaaring nagmula ang salita mula sa kasanayan sa pagluluto na idikit ang buntot at palikpik sa mga hiniwang piraso para madaling malaman kung ano ang isda na kinakain.[kailangan ng sanggunian]
Isa pang posibilidad para sa pangalan ang tradisyonal na pamamaraan sa pag-aani. Hinuhuli ang mga isdang pansashimi gamit ang indibidwal na handline. Kapag nahuli na ang isda, sinasaksak ang utak nito gamit ang pako, at nilalagay ito sa yelo. Tinatawag na ikejime ang prosesong ito. Dahil namamatay agad ang isda, napakakonti lang ang lactic acid sa laman ng isda. Ibig sabihin nito ay mananatiling sariwa ang isda sa yelo sa loob ng halos sampung araw, nang hindi puputi o bubulok.[kailangan ng sanggunian]
Ginagamit ng salitan ang sashimi at sushi ng maraming di-Hapones, ngunit magkakahiwalay at magkakaiba ang dalawang pagkain na ito. Tumukoy ang sushi sa anumang putahe na may kanin na may suka. Habang tradisyonal na sangkap ang hilaw na isda sa sushi, may mga sushi na naglalaman ng nilutong pagkain-dagat, at may mga ibang sushi na wala namang ganito.Sa kabilang banda, palaging inihahain ang sashimi na wala ibang kasama.[2]


Kadalasan, unang kurso ang sashimi sa pormal na kainan-Hapones, ngunit maaari rin itong maging pangunahing kurso, na may kasamang kanin at miso soup sa mga magkakahiwalay na tasa.[alanganin] Kinokonsidera ng mga kusinerong Hapones ang sashimi bilang ang pinakamasarap na ulam sa pormal na kainan-Hapones at inirerekomenda nilang kaninin ito bago maapektuhan ang ngala-ngala ng mga ibang matatapang na lasa.[3]
Ang hiniwang ulam ay madalas na pinapatungan sa palamuti. Ang tipikal na palamuti ay daikon, isang uri ng labanos, na ginugutay na maging mahahaba at maninipis na hibla, o iisang dahon ng yerbang shiso.[3]
Popular na inihahain ang sashimi na may kasamang sawsawan (toyo) at mga pampalasa tulad ng wasabi, ginadgad na sariwang luya,[3] ginadgad na sariwang bawang, o ponzu para sa karne na sashimi, at mga palamuti kagaya ng shiso at ginutay na daikon. Minsan hinahalo ang wasabi sa toyo bilang sawsawan, na hindi ginagawa kapag kumakain ng sushi (na kadalasang may wasabi na sa loob nito mismo). Isang kilalang motibasyon sa paghahain ng wasabi kasama ng sashimi (at gari rin, inatsarang luya[4]), maliban sa lasa, ay pagpapatay ng mga nakapipinsalang baktirya at parasito na maaaring nasa hilaw na pagkaing-dagat.[5]
Para itampok ang pinong lasa at texture, hinihiwa ng kusinero ang isda sa mga iba't ibang kapal ayon sa uri ng isda, ayon sa gulang nito, at ayon sa panahon.[6][7][8] Ang hiwang hira-zukuri (literal na "patag na hiwa"), ay ang karaniwang hiwa para sa karamihan ng sashimi. Itong estilo ng hiwa ay kasinglaki ng domino at may kapal na 10 mm (3⁄8 in). Tuna, salmon, at kingfish ang mga kadalasang hinihiwa nang ganitong istilo. Ang hiwang usu-zukuri (literal na "hiwang manipis"), ay napakanipis, pahilis na hiwa na ginagamit sa paghiwa ng mga matatag na isda, tulad ng katambak, asuhos, at kitang. Kadalasan, ang mga sukat nitong hiwa ay 50 mm (2 in) sa haba at 2 mm (1⁄16 in) sa lapad. Ang hiwang kaku-zukuri (literal na "hiwang parisukat"), ay ang istilo kung saan hinihiwa ang sashimi sa mga maliliit na kubo na 20 mm (3⁄4 in) sa bawat panig. Ang hiwang ito-zukuri (literal na "hiwang sinulid"), ay istilo kung saan nakahiwa ang isda sa mga pinong piraso, na hindi lalaki sa 2 mm (1⁄16 in) sa diyametro. Kabilang sa mga isdang hinihiwa sa istilong ito-zukuri ang garfish at pusit;[9][10] tinatawag ding ika sōmen ang pusit na inihanda nang ito-zukuri at sinasawsaw sa dashi o men-tsuyu katulad ng sa pagkain ng sōmen noodle.[6]
Kabilang sa mga sikat na sangkap para sa sashimi ang:
Inihahain ang ilang sangkap, kagaya ng pugita, nang nakaluto dahil maligat ang mga ito. Inihahain nang hilaw ang karamihan ng pagkaing-dagat katulad ng tuna, salmon, at pusit. Ang tataki (たたき o 叩き, "binatukan") ay isang uri ng sashimi na pinapaso nang mabilis at bahagya sa labas, para manatiling hilaw sa loob.[11]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.