Sappho

Si Sappho (Sinaunang Griyego: Σαπφώ, romanisado: Sapphō) o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa

Sappho
Sappho
Kapanganakan7th dantaon BCE (Huliyano)[1]
    • Lesbos
  • (Dagat Egeo)
Kamatayan570 BCE (Huliyano)[2]
    • Lefkada
  • (Dagat Jonico)
MamamayanMytilene
Trabahomakatà, kompositor, may-akda, manunulat
Asawaunknown
PamilyaCharaxus

Si Sappho (Sinaunang Griyego: Σαπφώ, romanisado: Sapphō) o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa Dagat Egeo ng Sinaunang Gresya. Tanging si Sappho lamang ang nag-iisang babaeng manunula mula sa kanyang kapanahunan na naaalala sa ngayon.[3]

Talambuhay

Bahagya lamang ang nalalaman hinggil kay Sappho, subalit nalalamang nagmula siya sa isang marangal na mag-anak at tumanggap ng edukasyon. Nagkaroon siya ng isang anak na babaeng pinangalanang Cleis. Halos nakalimutan na siya sa loob ng ilang mga daantaon, ngunit naging tanyag siya noong kanyang sariling panahon kaya't inilagay ang kanyang wangis sa mga baryang pera at mga plorera. Ginaya ng maraming iba pang mga makata ang kanyang estilo sa pagtula.[3]

Mga akda

Karamihan sa mga gawa ni Sappho na mga sulat ang may kaugnayan sa mga tula ng pag-ibig na nakatuon sa iba pang mga kababaihan. Tinipon ang mga ito mula mga 300 BK magpahanggang 200 BK. Ngunit iilang mga piraso na lamang ang natira pagsapit ng ika-8 at ika-9 na mga daantaon.[3]

Mga sanggunian

  1. "Saffo". Treccani Enciclopedia on line. Nakuha noong 25 Enero 2021.
  2. "Sappho of Lesbos". World History Encyclopedia. Nakuha noong 25 Enero 2021.
  3. 3.0 3.1 3.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Sappho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 72.

Gresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.