Sakura Wars

Ang Sakura Wars (サクラ大戦, Sakura Taisen) ay isang prangkisang pang-midya na steampunk mula sa bansang Hapon na nilikha ni Oji Hiroi at kasalukuy

Ang Sakura Wars (サクラ大戦, Sakura Taisen) ay isang prangkisang pang-midya na steampunk mula sa bansang Hapon na nilikha ni Oji Hiroi at kasalukuyang pagmamay-ari ng Sega. Nakatuon ito sa isang serye ng iba't ibang uri ng larong bidyo. Unang lumabas ang unang laro ng serye noong 1996, kasama ang limang sumunod na serye at maraming spin-off na mga titulo na nilalabas simula pa noon. Ang tagpuan ng serye ay sa isang kathang-isip na bersyon ng panahong Taishō na sinasalarawan ang mga pangkat ng kababaihan na may kakayahang salamangka gamit ang mga mecha na pinapandar ng steam o singaw upang labanan ang demonikong banta.

Mga laro

Ang unang laro ay nailabas noong Setyembre 27, 1996. Maraming laro ng Sakura Wars ang nagkaroon ng lokalisasyon para sa mga merkado ng Hilagang Amerika, Europa, Asya at Australya sa maraming console ng larong bidyo, personal na kompyuter at teleponong selular. Noong 2019, kabilang sa serye ang pangunahing mga nilabas mula 1996 na Sakura Wars hanggang 2019 na Sakura Wars, gayun din ang mga spin-off na parehong lumabas at natiyak bilang ginagawa. Karamihan sa mga lumang laro ay muling ginawa o muling nilabas sa maraming plataporma.[1][2]

Mga sanggunian

  1. サクラ大戦.com ゲームタイトル紹介 - サクラ大戦 発売年表. Sakura Wars Portal Site (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong April 5, 2017. Nakuha noong Mayo 7, 2017.
  2. Lada, Jenni (Abril 24, 2006). "Important Importables: Sakura Taisen". GamerTell. Inarkibo mula sa orihinal noong May 9, 2010. Nakuha noong Mayo 7, 2017.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.