Sabon

Ang sabon ay isang asin ng asidong magrasa na ginagamit bilang panlinis at pampadulas.[1] Sa bahay, surpaktante ang mga sabon na karaniwang ginagamit sa…

Sabon
Yaring-kamay na sabon

Ang sabon ay isang asin ng asidong magrasa na ginagamit bilang panlinis at pampadulas.[1] Sa bahay, surpaktante ang mga sabon na karaniwang ginagamit sa paglalaba, paliligo, at iba pang uri ng gawaing-bahay. Sa industriya, ginagamit ang mga sabon bilang mga pampalapot, mga sangkap ng mga pampadulas, at mga pasimula sa mga katalista.

Kapag ginagamit sa paglilinis, tinutunaw ng sabon ang mga partikula at dumi, na pagkatapos ay maihihiwalay sa nlilinisang bagay. Sa paghuhugas ng kamay, bilang surpaktante, kapag pinabula sa kaunting tubig, ang sabon ay nagpapatay ng mga mikroorganismo sa paggugulo sa lipidong bilayer na lamad at pagdedenaturalisa ng mga protina nito. Pampaeemulsiyona rin ito ng langis na nagbibigay-daan na alisin ito ng dumadaloy na tubig.[2]

Nagagawa ang sabon sa paghahalo ng taba at langis sa base.[3] Libu-libong taon nang nakagamit ang mga tao ng sabon; may ebidensya para sa produksiyon ng mga materyales na parang sabon sa sinaunang Babilonya noong 2800 BK.

Mga sanggunian

  1. IUPAC, Compendium of Chemical Terminology, Ika-2 ed. (ang "Gold Book") (1997). Naitamang online na bersyon: (2006–) "Soap". doi:10.1351/goldbook.S05721
  2. Tumosa, Charles S. (2001-09-01). "A Brief History of Aluminum Stearate as a Component of Paint" [Maikiling Kasaysayan ng Estearato de Aluminyo bilang Sangkap ng Pintura]. cool.conservation-us.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-18. Nakuha noong 2017-04-05.
  3. "What's The Difference Between Soap and Detergent". cleancult.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-18. Nakuha noong 2019-12-18.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.