Robles

Robles
Huwag itong ikalito sa rublo.

Robles
Mga yabong at mga ensina ng Quercus robur
Pag-uuring siyentipiko e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Fagales
Pamilya: Fagaceae
Henero: Quercus
L.
Mga uri

Tingnan ang Talaan ng mga uri ng Quercus

Ang robles, roble, o owk (Ingles: oak, Kastila: roble [isahan], robles [maramihan]) ay isang punungkahoy o palumpong na nasa loob ng sari ng mga kuwerko o kuwerka (Quercus);[1] Latin: "puno ng robles"), na kinaiiralan ng 400 mga uri.[2] Lumilitaw rin ang katawagang "oak" sa Ingles sa mga pangalan ng mga uring nasa loob ng kaugnay na mga sari, partikular na ang Lithocarpus. Katutubo ang sari sa hilagang hemispero, at kabilang ang mga uring nalalagasan ng dahon pagdating ng taglagas (desiduoso) at mga palagiang lunti, na umaabot magpahanggang sa mga latitud na malalamig papunta sa Asyang tropikal at sa mga Amerika.

Isang punong-gubat ang puno ng robles na may matigas na kahoy, kaya't ginagamit ito sa paggawa ng mga muwebles. Maraming iba't ibang mga uri ng robles, subalit lahat sila ay may malalaking butong tinatawag na mga ensina. Tumutubo ang mga punong ito sa maraming bahagi ng Europa at Hilagang Amerika.

Karamihan sa mga robles ang nalalagasan ng mga dahon sa pagsapit ng taglagas, ngunit mayroon isang natatangi uri ng puno ng robles, ang "buhay na robles", na tumutubo sa Timog ng Amerika. Tinatawag itong "robles na buhay" sapagkat nananatili ang karamihan sa mga dahon nito habang panahon ng tagniyebe o taglamig.

Nabubuhay ang mga puno ng robles magpahanggang sa 1,000 mga taon.[3]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Sunset Western Garden Book, 1995:606–607
  2. "Key facts about oak trees". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-06. Nakuha noong 2009-10-09.
  3. "Oak tree facts". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-11. Nakuha noong 2009-10-09.

PunoHalaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno at Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.