Republikang Bayan ng Congo

Republikang Bayan ng Congo
République Populaire du Congo
1970–1992
Watawat ng Congo
Watawat
Eskudo ng Congo
Eskudo
Salawikain: "Travail, Démocratie, Paix"[1] (Pranses)
"Paggawa, Demokrasya, Kapayapaan"
Awiting Pambansa: Les Trois Glorieuses
Location of Congo
KabiseraBrazzaville
Karaniwang wikaPranses
PamahalaanDemokratikong republikang bayan
Pangulo 
Punong Ministro 
PanahonCold War
• Naitatag
1970
• Binuwag
1992
SalapiCFA franc (XAF)
Kodigo sa ISO 3166CG
Pinalitan
Pumalit
Republika ng Congo
Republika ng Congo

Ang Republikang Bayan ng Congo (Pranses: République populaire du Congo) ay isang dating nagproklamang Marxista–Leninistang estadong sosyalista na itinatag noong 1970 sa Republika ng Congo. Sa pangunguna ng Congolese Party of Labor (Pranses: Parti congolais du travail, PCT) umiral ito hanggang 1991, nang nagpalit ng pangalan ang bansa at tinanggal ang pamahalaan ng PCT, sa gitna ng sunod-sunod na repormang multi-partido na kumalat sa Aprika noong mga 1990.

Kasaysayan

Ipinahayag ang Republikang Bayan ng Congo sa Brazzaville matapos mapatalsik ang naunang pamahalaan ng isang matagumpay na kudetang inorganisa ng mga militanteng makakaliwâ. Iniluklok si Marien Ngouabi bilang puno ng estado at nagpalabas ng mga patakarang komunista – gaya ng nasyonalisasyon ng mga produksiyon – dalawang taon pagkaraan ng kudeta. Matapos buwagin ang pambansang asamblea, binuo ni Ngouabi ang partidong Marxista-Leninista na kinilalang Congolese Labor Party (PCT), na naging nag-iisang partido sa bagong taguyod na estado. Ngunit noong 1977, pinaslang si Ngouabi.

Gaya ng ibang komunistang bansa sa Aprika, ang Republikang Bayan ng Congo ay nagpanatili ng malapít na ugnayan sa Unyong Sobyet.[2] Nanatiling matatag ang ugnayang ito matapos ang asasinasyon ni Ngouabi's noong 1977. Ngunit nagpanatili rin ng malapit na ugnayan ang pamahalaang PCT sa Pransiya.[3]

Sa kalagitnaan ng 1991, inalis ng Sovereign National Conference ang salitang ''populaire ("bayan") mula sa opisyal na pangalan ng bansa, habang pinalitan din ang watawat at pambansang awit na ginagamit ng pamahalaan PCT. Winakasan ng Sovereign National Conference ang pamahalaang PCT, at itinalaga si André Milongo bilang transisyonal na Punong Ministro na may kapangyarihang tagapagpaganap. Pinayagang manatili sa puwesto si Pangulong Denis Sassou Nguesso sa seremonyal na tungkulin habang nagaganap ang transisyon.[4]

Mga sagisag

Watawat ng Hukbong Katihang Congo (1970–1992)
Congo Roundel (1970–1992)

Sanggunian

  1. Gaya ng pinapakita sa eskudo
  2. Timeline: Republic of the Congo
  3. John F. Clark, "Congo: Transition and the Struggle to Consolidate", in Political Reform in Francophone Africa (1997), ed. John F. Clark and David E. Gardinier, page 65.
  4. Clark, "Congo: Transition and the Struggle to Consolidate", page 69.

Strategi Solo vs Squad di Free Fire: Cara Menang Mudah!