Ang rendang ay isang maanghang na ulam na Indones na nagmula sa rehiyon ng Minangkabau sa Kanlurang Sumatra, Indonesya.[5] Kumalat ito sa buong Indonesy
Awtentikong bakang rendang mula sa Minangkabau (Padang), Indonesya, na may madilim na kulay, at kaunting likido lamang | |
| Ibang tawag | Randang (sa Minangkabau) |
|---|---|
| Kurso | Ulam |
| Lugar | Indonesya[1][2] |
| Rehiyon o bansa | Kanlurang Sumatra[3] |
| Kaugnay na lutuin | Indonesya,[4] Malasya, Singapura, Brunay |
| Ihain nang | Mainit o temperatura ng silid |
| Pangunahing Sangkap | Karne (baka, tupa or kambing), gata, sili, luya, galangal, luyang-dilaw, tanglad, bawang, lasuna |
| Baryasyon | Rendang na manok, rendang na pato, rendang na atay, rendang na pali |
| |
Ang rendang ay isang maanghang na ulam na Indones na nagmula sa rehiyon ng Minangkabau sa Kanlurang Sumatra, Indonesya.[5] Kumalat ito sa buong Indonesya at naging bahagi ng mga lutuin ng mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Malasya, Singapura, Brunay at Pilipinas.[2] Madalas na inilarawan ang rendang bilang isang malasang kari sa Timog-silangang Asya na ginawa sa pagkukulob ng karne sa gata at pampalasa hanggang sa ito ay lumambot.[6] Ang rendang ay karne — kadalasang baka (rendang daging) — na mabagal na niluto at kinulob sa gata at timpla ng mga pampalasa,[7][8] hanggang sa sumingaw ang mga likido at maging madilim na kayumanggi at malambot ang karne, karamelisado at punong-puno ng mga malasang espesya.
Bilang modelong putahe ng kulturang Minangkabau, tradisyonal na inihahain ang rendang sa mga seremonya upang parangalan ang mga bisita tuwing mga espesyal na okasyon; tulad ng mga kasalan at Hari Raya (Eid al-Fitr).[9] Tradisyonal na inihahain din ang rendang ng mga Malay sa Indonesya, Malasya, Singapura at Brunay, pati na rin ng mga Magindanaw at Maranaw sa Pilipinas.[10] Kahit kadalasang inilalarawan ng mga eksperto sa pagkain ang rendang bilang kari,[5] hindi ganoon ang pagkaturing sa Indonesya o Malasya dahil mas malinamnam ito at mas kaunti ang likido nito kumpara sa mga karaniwang kari.[11]
Sa Indonesya, 6 magkakaibang tradisyon ng paghahanda ng rendang ang ipinagkaloob ng di-materyal na pamanang kultural ng Ministro ng Edukasyon at Kultura ng Indonesya, lahat sa ilalim ng pamana ng lalawigan ng Kanlurang Sumatra. Noong 2010, ang Randang (ang pagbaybay ng Rendang sa wikang Minang),[12] at gulai rendang (rendang na inihahain kasama ng mas maraming sarsang gata)[13] ay ipinagkaloob ng katayuan sa pamanang kultural, na sinundan ng Randang daging (rendang na karne),[14] randang kantang (rendang na patatas),[15] at randang incek kacang (rendang na may bins)[16] noong 2016, habang nakatanggap ng parehong katayuan ang rendang paku ng Dharmasraya (rendang na inihanda sa dahon ng pako (Diplazium esculentum)) noong 2018.[17]
Noong 2011, sa isang online poll ng CNN International na sinagot ng 35,000 katao, nanomina ang rendang na baka bilang ang Ika-1 pinakamasarap na putahe sa mundo sa kanilang talaan, World's 50 most delicious foods: Readers' picks ("50 pinakamasarap na pagkain ng mundo: pinili ng mga mambabasa"; kahit #11 ito sa orihinal na talaan na ginawa ng mga tauhan).[18][19] Noong 2018, opisyal na kinilala ang rendang bilang isa sa 5 pambansang putahe ng Indonesya, kasama ng soto, sate, nasi goreng, at gado-gado.[20]
Ang kari ("rendang"), na nagmula sa Kanlurang Sumatra sa Indonesya, ay sikat sa Malasya, Indonesya, Singapura, Brunay at Timog Taylandiya. (Isinalin mula sa Ingles)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.