Ang RAYA (karaniwang isinusulat sa malalaking titik) ay isang grupong P-pop na binubuo ng siyam na babaeng miyembro sa Pilipinas. Binuo ito ng Viva Artists Agen
RAYA | |
|---|---|
| Pinagmulan | Pilipinas |
| Genre | P-pop, pop, hip hop |
| Taong aktibo | 2025–kasalukuyan |
| Label | Viva Records |
| Miyembro |
|
Ang RAYA (karaniwang isinusulat sa malalaking titik) ay isang grupong P-pop na binubuo ng siyam na babaeng miyembro sa Pilipinas. Binuo ito ng Viva Artists Agency at nakapirma sa ilalim ng Viva Records.[1] Ang grupo ay binubuo nina Abel, Anna, Ash, Aviona, Jemima, Kash, Priscilla, Rona, at Sofia.[2][3] Ang pangkat ay tinaguriang "Gems of P-Pop" (Tagalog: Mga Hiyas ng P-Pop) bilang bahagi ng lumalawak na eksena ng musikang Pilipino. Ang simbolismo ng pangkat ay hango sa siyam na hiyas (Navaratna), kung saan ang bawat miyembro ay iniuugnay sa isang partikular na hiyas na bato na sumisimbolo sa kanilang natatanging katangian at lakas.[4][5][6][7]
Ang kanilang pangalan ay nagmula sa lumang salitang Pilipino na hiraya, na nangangahulugang "mga pangarap, pag-asa, o aspirasyon".[3] Opisyal silang inilunsad noong Abril 15, 2025, kasabay ng paglalabas ng kanilang kauna-unahang single na "Bling!".[5]
Ang RAYA ay nabuo noong huling bahagi ng 2024 sa pamamagitan ng mga serye ng malawakang awdisyon at panloob na pagpili ng talento na pinangasiwaan ng Viva Artists Agency (VAA).[3][8] Pormal na ipinakilala ang pangkat sa publiko sa "PPop It Up!" showcase na ginanap sa Viva Cafe, kung saan nagtanghal sila ng mga sariling bersyon ng ilang mga sikat na kontemporaryong kanta.[8] Noong Enero 17, 2025, naglabas ang RAYA ng isang pre-debut promotional single—isang makabagong bersyong P-pop ng klasikong awiting Pilipino na "Bongga Ka Day".[5][9][10]
Opisyal na pumasok ang grupo sa eksena ng Pinoy Pop (P-pop) noong Abril 15, 2025, sa pamamagitan ng kanilang debut single na "Bling!".[5][11] Ang kanta ay nakatuon sa mga tema ng pagpapalakas ng kababaihan, tiwala sa sarili, at pagpapahalaga sa sarili, na pinagsasama ang mabilis na melodiya ng pop at mabibigat na ritmo ng hip-hop.[3][12] Noong Abril 26, 2025, ilinunsad ng grupo ang opisyal na music video para sa "Bling!" kasunod ng isang paunang pagpapalabas at pagtatanghal para sa mga tagahanga sa Viva Cafe sa Cubao, Lungsod Quezon.[5] Mabilis na umani ng tagumpay sa merkado ang kanta nang makapagtala ito ng higit sa 400,000 streams sa Spotify at pumasok sa Viral 50 Philippines chart ng nasabing plataporma.[1]
Napanatili ng grupo ang kanilang bwelo sa huling bahagi ng 2025 sa pamamagitan ng paglalabas ng sumunod nilang single na "Diva Diba".[13] Noong Enero 2026, itinampok ang grupo bilang isa sa mga pangunahing bagong artista sa Hiraya Night Sky Festival, na sumabay din sa paglalabas ng kanilang single na "Get Me".[1][14][15]
Ang pangalang "RAYA" ay hango sa sinaunang salitang Pilipino na hiraya, na isinasalin bilang "mga pangarap, pag-asa, o aspirasyon".[3][5] Pinili ng mga miyembro ang pinaikling bersyon nito upang madaling tandaan. Layunin nito ang magsilbing inspirasyon sa kabataan na magpatuloy sa kabila ng mga personal na hamon sa buhay.[3]
Nais naming maglabas ng higit pang mga awitin na nagbibigay-inspirasyon. Gusto naming ihatid ang mensahe na laging may pag-asa, kahit na may mga hamon sa buhay.
— Aviona, The Beat Asia (isinalin mula sa Ingles)[3]
Ang estilo sa musika ng RAYA ay pangunahing nakaugat sa P-pop, na nagsasama ng mabibigat na modernong hip-hop beats at kaakit-akit na pop hooks. Aktibong lumalahok ang mga miyembro sa malikhaing proseso ng kanilang musika; sa produksyon ng kantang "Bling!", binago ng mga miyembro ang ilang orihinal na bahagi ng rap na nasa Ingles patungong Tagalog upang mas umakma sa kanilang pagkakakilanlan at sa konsepto ng pagpapalakas ng kababaihan.[3]
Ang grupo ay binubuo ng siyam na miyembro:[1]
| Taon | Pamagat | Album | Mga tala |
|---|---|---|---|
| 2025 | "Bongga Ka Day" | Mga single na hindi bahagi ng album | Promotional track bago ang debut[9][16] |
| "Bling!" | Opisyal na debut single[5] | ||
| "Diva Diba" | [1] | ||
| 2026 | "Get Me" | [1] |
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.