Rabies

Ang rabies, lyssavirus o rabis (mula sa Latin: rabies, "kaululan" o "kabaliwan") ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop n

Rabies
Rabis
Isang asong mayroong rabies na nasa yugtong paralitiko (pagkatapos na maging mabangis).
EspesyalidadInfectious diseases, veterinary medicine Edit this on Wikidata

Ang rabies, lyssavirus o rabis (mula sa Latin: rabies, "kaululan" o "kabaliwan") ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop na maiinit ang dugo.[1] Ang sakit na ito ay soonotiko, na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang espesye papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwang sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabies ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan.

Sipnosis

Naglalakbay ang birus ng rabies papunta sa utak sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nerbiyong periperal. Ang panahon ng inkubasyon (panahon ng paglimlim) ng sakit ay karaniwang mangilan-ngilang mga buwan sa mga tao, na nakasalalay sa layo na dapat lakbayin ng birus upang marating ang sentro ng sistemang nerbiyos.[2] Kapag umabot na ang birus ng rabies sa sentral na sistemang nerbiyos at nagsimula nang makita ang mga sintomas, ang impeksiyon ay talagang hindi na malulunasan at karaniwang nakamamatay sa loob ng ilang mga araw.

Mga sintomas

Ang mga sintomas sa maagang yugto ng rabies ay kinabibilangan ng malaise, sakit ng ulo at lagnat, na sumusulong sa pagkakaroon ng matinding hapdi, mga galaw na marahas, hindi mapigilang kasiglahan, panlulumo (depresyon), at hidropobya (pagkatakot sa tubig).[1] Bilang panghuli, ang pasyente ay maaaring makaranas ng mga panahon ng mania at letarhiya (katamlayan), na pagdaka ay humahantong sa coma. Ang pangunahing sanhi ng kamatayan ay ang kakulangang panghininga.[2] Ang World Rabies Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Setyembre 28.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Drew WL (2004). "Chapter 41: Rabies". Mula sa Ryan KJ; Ray CG (mga patnugot) (mga pat.). Sherris Medical Microbiology (ika-ika-44 (na) labas). McGraw Hill. pp. 597–600. ISBN 0-8385-8529-9.
  2. 2.0 2.1 Cotran RS; Kumar V; Fausto N; atbp. (2005). Robbins and Cotran Pathologic Basis of Disease (ika-ika-7 (na) labas). St. Louis: Elsevier/Saunders. p. 1375. ISBN 0-7216-0187-1.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.