Ang RETScreen Clean Energy Management Software (kadalasang tinatawag na RETScreen) ay isang software package na dinivelop ng Pamahalaan ng Canada. Ang RETScreen
| (Mga) Gumawa | Pamahalaan ng Canada | Multiple |
|---|---|
| Unang labas | 30 Abril 1998 |
| Matatag na labas | RETScreen Expert Version 9.0
/ 29 Setyembre 2022 |
| Websayt | retscreen.net |
Ang RETScreen Clean Energy Management Software (kadalasang tinatawag na RETScreen) ay isang software package na dinivelop ng Pamahalaan ng Canada. Ang RETScreen Expert ay na-highlight sa 2016 Clean Energy Ministerial sa San Francisco.[1] Makukuha ang software sa 36 wika, kasama ang Tagalog.
Ang RETScreen Expert ang pinakabagong bersyon ng software at na-release sa publiko noong 19 Setyembre 2016. Gamit ang software, maaari nang matukoy, matasa, at ma-optimize ang teknikal at pinansiyal na viability ng potensiyal na mga proyekto ng malinis na enerhiya. Pinahihintulutan din nito ang pagsukat at pag-alam ng datos ng aktuwal na pagganap ng mga pasilidad at tumutulong na humanap ng karagdagang oportunidad para sa pagtitipid/produksyon ng enerhiya.[2] Ang "Viewer mode" sa RETScreen Expert ay walang-bayad at nagbibigay ng access sa lahat ng functionality ng software. Gayunman, hindi tulad ng mga nakaraang bersyon ng RETScreen, ang bagong "Professional mode" (na nagpapahintulot sa mga user na mag-save, print, atbp.) ay available na ngayon para sa taunang subscription.
Ang RETScreen Suite, na binubuo ng RETScreen 4 at RETScreen Plus, ay ang nakaraang bersyon ng RETScreen software. Ang RETScreen Suite ay may kasamang cogeneration at mga kakayahan para sa off-grid analysis.
Hindi tulad ng RETScreen Suite, ang RETScreen Expert ay isang integrated na software platform. Gumagamit ito ng detalyado at komprehensibong archetype para sa mga proyekto para sa pagtatasa at may kalakip na kakayahan para sa portfolio analysis. Ini-integrate ng RETScreen Expert ang ilang database upang tulungan ang user, kasama ang isang pangglobong database ng mga lagay ng panahon mula sa 6,700 mga ground-based na istasyon at satellite data mula sa NASA; benchmark database, cost database, project database, hydrology database at product database.[3] Ang software ay may naka-integrate na training material, kasama ang isang elektronikong textbook.[4]
Ang unang bersyon ng RETScreen ay na-release noong 30 Abril 1988. Ang RETScreen Version 4 ay inilunsad noong 11 Disyembre 2007 sa Bali, Indonesia ng Minister of the Environment ng Canada.[5] Ang RETScreen Plus ay na-release noong 2011.[6] Ang RETScreen Suite (na may naka-integrate na RETScreen 4 at RETScreen Plus na may ilang karagdagang update), ay na-release noong 2012.[7] Ang RETScreen Expert ay na-release sa publiko noong 19 Setyembre 2016.[8]
Kailangan ng program ang Microsoft® Windows 7 SP1, Windows 8.1 o Windows 10; at Microsoft® .NET Framework 4.7 o mas mataas.[9] Posibleng gumana ang program sa mga Apple Macintosh computer gamit ang Parallels o VirtualBox para sa Mac.[10]
Ang RETScreen ay pinamamahalaan sa ilalim ng pangunguna at tuluy-tuloy na pinansyal na suporta ng CanmetENERGY Varennes Research Centre of Natural Resources Canada, isang kagawaran ng Gobyerno ng Canada. Ang core team[11] ay may kolaborasyon sa ilan pang mga organisasyon ng pamahalaan at multi-lateral, na may teknikal na suporta mula sa malawak na network ng mga eksperto mula sa industriya, gobyerno at akademya.[12] Lakip sa mga pangunahing partner ang Langley Research Center[13] ng NASA, ang Renewable Energy and Energy Efficiency Partnership (REEEP),[14] Independent Electricity System Operator (IESO) ng Ontario,[15] Energy Unit of the Division of Technology ng UNEP,[16] ang Global Environment Facility (GEF),[17] ang Prototype Carbon Fund ng World Bank,[18] at ang Sustainable Energy Initiative ng York University.[19]
Mula noong Pebrero 2018, ang RETScreen software ay mayroon nang 575,000 user sa bawat bansa at teritoryo.[20]
Ayon sa pagtatantya ng isang independent impact study,[21] sa pagsapit ng 2013, ang paggamit ng RETScreen software ay naging responsable sa pangglobong pagtitipid ng $8 billion sa mga gastos ng user transaction, 20 MT sa isang taon na natipid na greenhouse gas emission at nagpahintulot sa hindi bababa sa 24GW ng na-install na kapasidad ng malinis na enerhiya.
Ang RETScreen ay malawak na ginagamit upang pangasiwaan at ipatupad ang mga proyekto ng malinis na enerhiya. Bilang halimbawa, ginamit ang RETScreen:
Ang komprehensibong koleksyon ng mga artikulo na nagdedetalye kung paano ginagamit ang RETScreen sa iba't ibang sitwasyon ay available sa LinkedIn page ng RETScreen.[34]
Ang RETScreen ay ginagamit din bilang tool sa pagtuturo at pagsasaliksik sa mahigit sa 1,100 unibersidad at kolehiyo sa buong mundo, at madalas na binabanggit sa mga literatura sa akademya.[35] Ang mga halimbawa ng gamit ng RETScreen sa akademya ay makikita sa ilalim ng mga seksyong “Publications and Reports” at "University and College Courses" ng RETScreen newsletter, na maaaring ma-access sa User manual sa na-download na software.
Ang paggamit ng RETScreen ay inaatas o inirerekomenda ng mga programa ng insentibo para sa malinis na enerhiya sa lahat ng antas ng gobyerno sa buong mundo, lakip ang UNFCCC at EU; Canada, New Zealand at UK; ilang mga estado sa America at mga probinsya, lungsod, munisipalidad at utility sa Canada.[36] Ang mga pambansa at pangrehiyong training workshop para sa RETScreen ay isinaayos ayon sa opisyal na kahilingan ng mga Gobyerno ng Chile,[37] Saudi Arabia,[38] 15 bansa sa Kanluran at Gitnang Africa,[39] at ng Latin American Energy Organization (OLADE).
Noong 2010, ang RETScreen International ay ginantimpalaan ng Public Service Award of Excellence,[40] ang pinakamataas ng gantimpalang ibinibigay ng gobyerno ng Canada sa mga civil servant nito.
Ang RETScreen at ang RETScreen team ay nakatanggap ng nominasyon at iba pang prestihiyosong gantimpala lakip ang Ernst & Young/Euromoney Global Renewable Energy Award, Energy Globe (Pambansang Gantimpala para sa Canada), at ang GTEC Distinction Award Medal.[41]
Sa isang International Energy Agency review ng beta release ng bahagi ng software para sa hydropower ay nagsabing ito ay "lubhang kahanga-hanga".[42] Ipinahayag ng European Environment Agency na ang RETScreen ay isang "lubhang kapaki-pakinabang na tool."[43] Ang RETScreen ay tinawag ding "isa sa ilang mga software tool at ang pinakamahusay sa mga ito, available para pag-arawal ang mga ekonomiya ng mga instalasyon ng renewable na enerhiya" at "isang tool upang mapahusay ang kaugnayan ng merkado" ng malinis na enerhiya sa buong mundo.[21]
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: Cite uses generic title ()CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Oktubre 2024) |
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.