Ang pompyang ay mga instrumentong perkusyon o panugtog na binibira, pinapalo, tinatapik, o pinagbabangga upang makalikha ng tunog. Kilala rin bilang simbal o s…

Ang pompyang ay mga instrumentong perkusyon o panugtog na binibira, pinapalo, tinatapik, o pinagbabangga upang makalikha ng tunog. Kilala rin bilang simbal o simbalo, mga disko itong yari sa tanso, tansong-pula, o natatanging alloy. Kahawig sila ng mga takip ng kaserola o kawali, ngunit may maliit na umbok sa gitna at may mga taling lumalagos sa isang butas. Tinatawag na simbalero, simbalista, mampopompyang, o tagapompyang ang taong tagatugtog ng mga pompyang.[1][2] Pangkaraniwan sa mga ito ang magkaparis na mga payat na piraso ng metal, na hinahawakan ng tig-isang kamay at pinagbabanggaan, kaya't nakalilikha ng musikang may ritmo.[3]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.