Si Peter von Zahn (29 Enero 1913 – 26 Hulyo 2001) ay isang Alemang manunulat, may-akda, tagagawa ng pelikula, prodyuser na pantelebisyon at tagapamahayag.[
Peter von Zahn | |
|---|---|
| Kapanganakan | 29 Enero 1913
|
| Kamatayan | 26 Hulyo 2001[1]
|
| Mamamayan | Alemanya |
| Trabaho | mamamahayag, direktor ng pelikula, screenwriter, prodyuser ng pelikula, artista, direktor, manunulat, produser sa telebisyon |
Si Peter von Zahn (29 Enero 1913 – 26 Hulyo 2001) ay isang Alemang manunulat, may-akda, tagagawa ng pelikula, prodyuser na pantelebisyon at tagapamahayag.[2]
Ipinanganak si von Zahn sa Chemnitz, Alemanya. Noong 1939, tinanggap niya ang kanyang pagkaduktorado mula sa Freiburg. Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumanap siya bilang isang korespondiyente ng balita sa hukbong katihan ng Alemanya. Pagkaraan, naging isa siyang brodkaster sa radyo. Noong 1951, nagpunta siya sa Estados Unidos upang maglunsad ng serye ng mga programang ukol sa buhay at pulitka sa Estados Unidos. Bilang isang prodyuser ng mga palabas sa telebisyon, pangunahing nakabase siya sa Alemanya. Bilang may-akda, sumulat siya ng apat na aklat hinggil sa Estados Unidos.[2]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.