Pesto

Ang pesto (pagbigkas sa wikang Italyano: [ˈpesto], Genoesa: [ˈpestu]) ay isang sarsa hindi luto na nagmula sa Genoa sa rehiyon ng Liguria ng hilaga

Pesto
Ang pesto.

Ang pesto (pagbigkas sa wikang Italyano: [ˈpesto], Genoesa[ˈpestu]) ay isang sarsa hindi luto na nagmula sa Genoa sa rehiyon ng Liguria ng hilagang Italya (pesto genovese),[1] at pangtradisyon na binubuo ng pinitpit (pinisa) na bawang, basil, at mani ng pino ng Europa na pinaghalu-halo sa pamamagitan ng langis ng oliba, Parmigiano Reggiano (kesong Parmesano), at Fiore Sardo (kesong gawa mula sa gatas ng tupa).[2] Maaari rin itong lagyan ng asin at ilang iba pang mga uri ng keso, katulad ng Pecorino Sardo o Pecorino Romano. Ang pesto ay karaniwang ginagamit bilang sarsa para sa pasta.

Ang pangalang "pesto" ay ang pinaiksing partisipulong pangnakaraan (pandiwaring pangnakaraan) ng salitang Genoesa na pestâ (Italyano: pestare), na may kahulugang "dikdikin" o "pitpitin" bilang pagtukoy sa orihinal na pamamaraan ng paghahanda, sa pamamagitan ng marmol na dikdikan (almires) at kahoy na pambayo (pandikdik). Subalit, ang mga sangkap sa nakaugaliang paggawa ng pesto ay hindi "dinidikdik" subalit "ginigiling" sa pamamagitan ng isang paikot na kilos ng pandikdik sa loob ng dikdikan. Ang ganitong katulad na pinag-ugatang wikang Latin hanggang sa Matandang Wikang Pranses ay nagbigay din ng daan upang lumitaw ang salitang Ingles na pestle.[3]

Mayroong isang katulad na pagkain sa Provence ng Pransiya. Wala itong mga mani o keso, at tinatawag bilang Pistou.

Mga sanggunian

  1. "Pesto Genovese: an Ageless Benchmark of Great Italian Cuisine". Nakuha noong 11 Oktubre 2011.
  2. Campionato Mondiale Pesto al Mortaio. "Pesto's official recipe". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-18. Nakuha noong 10 Agosto 2011.
  3. Online Etymological Dictionary

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.