Ang paywall ay isang paraan ng paghaharang sa pag-akses sa nilalaman sa pamamagitan ng pagbili o pagbabayad ng suskripsiyon, lalo na sa balita.[1][2

Ang paywall ay isang paraan ng paghaharang sa pag-akses sa nilalaman sa pamamagitan ng pagbili o pagbabayad ng suskripsiyon, lalo na sa balita.[1][2] Simula sa kalagitnaan ng d. 2010, nag-umpisang maglagay ng paywall ang mga pahayagan sa kani-kanilang mga websayt bilang pampataas ng kita pagkatapos ng ilang taon ng pagbabawas sa mga nagbabasa ng mga imprenta at paghihina sa kita mula sa pagpapatalastas, bahagyang dahil sa paggamit ng mga ad blocker.[3] Sa akademika, kadalasang may paywall ang mga papeles sa pananaliksik at maaakses sa mga akademikong aklatan na nagsusukribe.[4][5]
Nagagamit din ang mga paywall para pataasin ang bilang ng mga suskritor sa imprenta; halimbawa, nag-aalok ang ilang pahayagan ng akses sa nilalamang onlayn pati paghahatid ng pan-Linggong edisyon sa mas mababang presyo kaysa sa onlayn na pag-akses lamang.[6] Ginagamit ng mga websayt ng pahayagan tulad ng sa The Boston Globe at The New York Times ang taktikang ito dahil pinapataas nito ang kani-kanilang onlayn na kita at ang kani-kanilang sirkulasyon ng imprenta (na nagpapataas naman sa kita mula sa mga ad).[6]
Lumitaw ang tatlong pangunahing modelo ng paywall: mga hard paywall ("mahigpit"), kung saan walang libreng laman at uudyukin ang tagagamit agad na magbayad para makabasa, makarinig o makanood ng nilalaman; mga soft paywall ("maluwag"), kung saan may kaunting laman na libre, tulad ng abstrakto o buod; at mga metered paywall ("nakametro") kung saan may itinakdang bilang ng libreng artikulo na maaakses ng mambabasa sa isang tiyak na yugto ng panahon, kung saan mas makapipili ang mga taggamit ng titingnan nila nang walang suskripsiyon.[7]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.