Pasma

Ang Pasma (Ingles: spasm, musculoskeletal spasm) ay ang karamdaman ng pagkakaroon ng pagkirot at mahirap maipahiwatig na hindi maginhawang pakiramdam sa mga kal

Pasma

Ang Pasma (Ingles: spasm, musculoskeletal spasm) ay ang karamdaman ng pagkakaroon ng pagkirot at mahirap maipahiwatig na hindi maginhawang pakiramdam sa mga kalamnan (mga masel) at kasu-kasuan. Bukod sa pagiging katumbas ng salitang Ingles na spasm, sa malawak na kahulugan ang pasma ay maaaring tumukoy din sa pagkalumpo, palsy, pamamanhid, pulikat, at pamamawis ng mga palad at ng mga paa. Ang pasma ay maaaring isa sa mga paraan ng katawan ng tao upang ipahiwatig na labis na ang paggamit sa katawan o pagod na ang isa o maraming mga bahagi ng katawan.[1]

Mga sanhi

Ang pasma ay maaaring dahil sa kapaguran ng mga kalamnan o mga masel, biglaang pagbabago sa mga kundisyon o kalagayan ng katawan (katulad ng biglang paglamig, dahil sa paliligo o paghuhugas ng kamay na gumamit ng malamig na tubig pagkatapos na maglaro ng isports habang mainit ang panahon; o kaya biglang nainitan ang katawan). Maaari ring maging sanhi ng pasma ang labis o hindi wastong paggamit ng mga masel at ng mga kasu-kasuan. Ang mga ibang kaso nito ay nagreresulta ng pagkamatay.[1]

Mga lunas

Kabilang sa karaniwang panglunas ng pasma ang pag-inom ng mga gamot na pantanggal ng pananakit (katulad ng Ibuprofen, Paracetamol, at Mefenamic Acid); ang pahilot o pagmasahe sa apektadong bahagi ng katawan upang makapagbigay ng ginhawa at pahinga sa bahaging ito ng katawan; ang paggamit ng mga ungguwento (oinment), linimento, at efficascent oil kapag hinihilot ang apektadong bahagi ng katawan; at ang pagpapahinga ng apektadong bahagi ng katawan. Iminumungkahi ang pagpapatingin o pagpapakonsulta sa terapistang pang-okupasyon at sa duktor ng medisinang pangrehabilitasyon.[1]

Pag-iwas

Kabilang sa pag-iwas sa pasma ang pag-iwas sa mga kalagayan na biglaang nakakapagpabago sa kalagayan ng katawan; ang hindi biglaang pagbabasa ng tubig ng katawan; ang pag-iwas na mainitan o malamigan ang katawan; ang pag-iwas na gutumin ang sarili. Nakakatulong din sa pag-iwas sa pasma ang pagbabawas ng dami ng gawain o panahon ng pagtatrabaho kung kailangan, at ang regular na pag-eehersisyo.[1]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 PASMA[patay na link], KALUSUGAN PH

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.