Ang panabas ay isang sandata o kasangkapang may talim na ginagamit sa pagpuputol mula sa Pilipinas, at iba-iba ang paglalarawan dito bilang isang espada at isan
| Panabas | |
|---|---|
Isang panabas ng Moro | |
| Uri | Tabak, palakol pandigma |
| Pinagmulan na lugar | Pilipinas |
| Mga espesipikasyon | |
| Haba | 24–48 pulgada (61–122 sentimetro) |
| Uri ng talim | May nag-iisang talim, pakurbang talim, at may dulo na maaaring mapurol o matalas |
Ang panabas ay isang sandata o kasangkapang may talim na ginagamit sa pagpuputol mula sa Pilipinas, at iba-iba ang paglalarawan dito bilang isang espada at isang palakol-pandigma.[1][2][3] Mayroon itong natatanging mahaba at tuwid na puluhan at isang kurbadong talim na may iba't ibang disenyo. Maaaring may haba itong 2 hanggang 4 na talampakan (61 hanggang 122 sentimetro) at maaaring hawakan gamit ang isa o dalawang kamay, na nagbibigay ng malalim na hiwang katulad ng nagagawa ng isang malaking kutsilyong panghiwa ng karne.[4][5]
Matatagpuan ang panabas sa iba't ibang bahagi ng mga pulo ng Pilipinas bilang kasangkapang pang-agrikultura para sa pagputol ng mga sanga at masukal na halaman. Ang mga baryante ng panabas na ginagamit bilang sandatang panlaban o seremonyal na palakol ng berdugo ay higit na iniuugnay sa mga pangkat etniko sa katimugang Pilipinas, partikular na sa mga Maranao at Maguindanao.[6]
Ang panabas ay isa sa maraming sandatang may talim na inilalarawan sa plakang “Weapons of Moroland” (Mga Sandat ng Lupaing Moro), na naging karaniwang pasalubong at ikono ng kulturang popular sa Pilipinas.
Ang salitang panabas ay nangangahulugang “kasangkapan sa pagtabas”, mula sa unlaping pang- at salitang-ugat na tabas. Kilala rin ito bilang "pangtabas" o payak na "tabas". Sa ilang partikular na rehiyon, tinatawag din itong lantip sa Kanlurang Kabisayaan, kung saan pangunahing ginagamit ito bilang kasangkapan sa pagputol ng tubo,[7] "palataw" sa Luzon,[8] at "nawi" ng mga Maguindanao.[9]
Ang panabas, bilang mas malawak na katawagan, ay maaari ring tumukoy sa malalaki at pasulong na kurbadong katutubong karit-karit-pang-ani ng Pilipinas, na mas partikular na kilala bilang "karit", "haras", "lagaraw", "lampas", o "sanggot". Gayunman, ganap na naiiba ang mga ito sa panabas. Ang bersyong ginawang sandata mula sa karit na pang-agrikultura ay ang Indonesyong na kerambit.
Maaari ring tawagin ang panabas sa mga pangkalahatang katawagan para sa malalaking bolo, gaya ng talibong (na siya ring pangalan ng isang hiwalay at walang kaugnayang espadang Bisaya) o badang.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.