Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010, opisyal na kinikilalang Ika-XXI Palaro ng Olimpikong Taglamig o ang Ika-21 Olimpikong Taglamig, ay gaganapin mula Pebrero 12 hanggang Pebrero 28, 2010 sa Vancouver, Britanikong Kolumbya, Canada na may ibang mga kaganapan sa Whistler, Britanikong Kolumbya. Kapwa Palarong Olimpiko at Paralimpiko ay isinasaayos ng Lupon sa Pagsasaayos ng Vancouver (VANOC).
Ang Olimpikong Taglamig 2010 ay magiging pangatlong Olimpiko na panumunuang-abala ng Canada, at ang una ng lalawigan ng Britanikong Kolumbya. Dati-rati, ang Canada ay tahanan sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976 sa Montreal at Palarong Olimpiko sa Taglamig 1988 sa Calgary. Ito rin ang magiging unang palaro na gaganapin sa pamilihang NHL mula pinayagan ang mga manlalarong ito na lumahok simula noong 1998.
Pinili ng Olimpikong Kapisanan ng Canada ang Vancouver bilang lungsod-kandidato ng Canada sa Calgary, na nais mamunong-abala muli ng palaro at ang Lungsod ng Quebec, na natalo sa anyaya ng Olimpikong 2002 noong 1995. Sa unang yugto ng paghahalal noong Nobyembre 21, 1998, ang Vancouver-Whistler ay may 26 na boto, Lungsod Quebec na may 25 at Calgary 21. Noong Disyembre 3, 1998, ang pangalawa at huling yugto ng paghahalal ay nangyari sa pagitan ng dalawang namumunong naghahamon, na nakita na nanalo ang Vancouver sa pamamagitan ng mga 40 boto na kung inihambing sa 32 ng Lungsod Quebec. Pinayagan ng pagkapanalo ang Vancouver na maghanda ng anyayang ito at magsimulang manghikayat ng mga pagpupunyagi nang pandaigdigan.
Ang Vancouver ay nanalo ng proseso ng pag-aanyaya na mamunong-abala ng Olimpiko sa pamamagitan ng halal ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko noong Hulyo 2, 2003 sa Ika-115 Pagpupulong ng IOC na ginanap sa Praga, Republikang Tseka. Ibinatid ang resulta ng Pangulo ng IOC na si Jacques Rogge.[2][3] Nangyari rin ito ng isang araw pagkatapos ipagdiwa ng Canada ang kanilang pambansang araw na pagdiriwang, ang Araw ng Canada.
Humarap ang Vancouver ng dalawang ibang kalahok sa huling yugto ng anyaya na nakatalang-maikli sa Pebrerong iyon: Pyeongchang, Timog Koriya at Salsburgo, Awstrya. Ang PyeongChang ay may pinakamaraming boto sa mga tatlong lungsod sa unang yugto ng paghahalal, kung saan inalis ang Salsburgo. Sa pag-iiwas ng tabla, lahat nguni't dalawa sa mga kasapi na naghalal para sa Salsburgo ay bumoto para sa Vancouver.
Ang logo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig ay inilantad noong Abril 23, 2005 at pinangalang Ilanaaq ang Inunnguaq. Ang Ilanaaq ay isang salitang Inuktitut ng kaibigan. Ang logo ay batay sa Inukshuk na itinayo para sa Pabilyon ng Mga Teritoryong Hilagang-kanluran sa Expo 86 at ibinigay sa lungsod ng vancouver pagkatapos ng kaganapan. Ito ay kasalukuyang ginagamit bilang patuto sa tabing-dagat ng Look ng Inggles.
Ipinakilala ang mga maskot para sa Olimpikong Taglamig 2010 noong Nobyembre 27, 2007.[4] Pagkatapos ng paglalantad, sumaling ang mga maraming tao sa anyo ng mga bagong maskot sapagka't sila ay kumakatawan ng maliit na pangkat ng populasyon ng Vancouver.[5] Nakapupukaw ng mga nakaugaliang nilalang na First Nations, kabilang ang mga maskot na:
Mukmuk - Isang Pulo ng Vancouver na marmota, si Mukmuk ay hindi isang opisyal na maskot nguni't gumaganap bilang alalay.
Pagpasa ng Sulo
Ang Pagpasa ng Olimpikong Sulo ay ang paglilipat ng Olimpikong apoy mula sa Sinaunang Olimpiya, Gresya - kung saan ang unang Palarong Olimpiko ay ginanap sa libo ng mga taong nakararaan - sa istadyum ng lungsod na nagpupunong-abala sa kasalukuyang Palarong Olimpiko. Ang apoy ay nakakarating nang akma sa panahon ng Seremonya ng Pagbubukas.
Para sa Palarong Olimpikong Taglamig ng Vancouver 2010, ang apoy ay mauunang masisindihan sa Olimpiya sa huling bahagi ng 2009. Ito ay kasunod na ilalakbay mula sa Gresya, sa pamamagitan ng Hilagang Polo sa mataas na Artiko ng Canada at sa patungong Kanlurang Baybayin at Vancouver. Ang Olimpikong Sulo ay dadalhin ng mga libong Kanadyano mula sa lahat ng mga uri ng edad at mga pinagmulang pangkultura: sa paanan, patuking pang-aso, sasakyang pangniyebe, kabayo, eruplano, anumang bawat paraan ng pagbibiyahe na kilalang nakikita ng mga taga-Canada.[6] Ang pagpasa ng sulo ay nasabing pinakamahaba sa kasaysayan ng Olimpikong taglamig at maglalakbay na nakatatawid sa Canada sa paglalakbay patungong Vancouver.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Olimpiko ang Olimpikong apoy ay masisindi sa loob ng istadyum, na ang BC Place ay isang nakakalupkop na istadyum. Ito ay nakapagsanhi ng ilang kuru-kuro kung paano ito matutupad, tulad ng malaking apoy na kung paanong mag-aapoy para sa loob ng kinakailangang 15 araw na magsasanhi ng mga isyung pangkapaligiran sa loob ng istadyum. Ang maaring mangyaring kalutasan sa problema ay kabilang ang paglalagay ng tanging sistema ng pagpasok ng hangin upang magtahan ang apoy. Ito ay ipinahayag nang opisyal agad kung paanong malulutasan ang problemang ito.