Ang pakpak ay isang bahagi na nagpapalipad sa mga ibon o sa mga eroplano sa hangin. Isang uri ito ng palaypay o palikpik na lumilikha ng pag-angat, habang gumag

Ang pakpak ay isang bahagi na nagpapalipad sa mga ibon o sa mga eroplano sa hangin. Isang uri ito ng palaypay o palikpik na lumilikha ng pag-angat, habang gumagalaw sa pamamagitan ng hangin o ibang pagdaloy.
Sa kalikasan, nabago ng ebolusyon ang mga kulisap, pterosauria, dinosauro (mga ibon), at mamalya (mga paniki) sa pagkakaroon ng pakpak bilang isang paraan ng lokomosyon. Ang mga iba't ibang espesye ng mga penguin at ibang lumilipad o di-lumilipad na mga ibong pantubig tulad ng mga auk, cormorant, guillemot, shearwater, eider at bibeng scoter at sumisisid na petrel ay mga masugid na manlalangoy, at ginagamit nila ang kanilang pakpak upang makabunsod sa tubig.[1]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.