Ang pagsusuri, analisis, o paglilitis[1] (Ingles: Analysis) ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang m

Ang pagsusuri, analisis, o paglilitis[1] (Ingles: Analysis) ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad.[2]
Ang salitang analisis ay nagmula sa pinagsamang mga salitang Griyegong ἀνάλυσις (analusis, "ang paghihiwa-hiwalay", mula saana- "pataas, sa kabuoan" at lysis "isang pagluluwag").[3]
Bilang isang nagsasariling paksa, ang analisis ay nilikha noong ika-17 daantaon noong panahon ng himagsikang pang-agham.[4] Bilang isang pormal na konsepto, ang metodo ay ibinubunton na nagmula kina Alhazen,[5] René Descartes (Diskurso sa Metodo), at Galileo Galilei. Idinidikit din ito kay Isaac Newton, sa anyo ng isang praktikal na metodo ng pagtuklas na pisikal (na hindi niya pinangalanan o pormal na inilarawan).
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.