Ang permentasyon, pagpapahilab,[1] o pagbuburo[2] ay ang proseso ng paggamit ng isang selula (sihay) ng asukal para sa enerhiya na hindi gumagam

Ang permentasyon, pagpapahilab,[1] o pagbuburo[2] ay ang proseso ng paggamit ng isang selula (sihay) ng asukal para sa enerhiya na hindi gumagamit ng oksiheno sa loob ng iisang panahon. Ang pampaalsa (lebadura) ay isang organismong nakapagbuburo. Kapag binuburo ng lebadura ang asukal, kinakain ng pampaalsa ang asukal at nakakalikha ng alkohol. Ang ibang mga selula ay nakakalikha ng suka o asidong laktiko kapag binuburo nila ang asukal. Ang permentasyon ay ginagamit sa paggawa ng serbesa, ng ilang mga uri ng panggatong, at ginagamit din upang umalsa ang tinapay, pati na sa paggawa ng mga pagkaing binuro katulad ng mga atsara.
Kapag nagbuburo ang lebadura, binubuwag nito ang glukosa (C6H12O6) upang maging ethanol (CH3CH2OH) at karbong dioksido (CO2).
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.