Optimismo

Sa pangkalahatan, ang optimismo ay ang pagkakaroon ng magandang pananaw sa buhay. Tinatawag na optimista o optimist ang isang taong may ganitong paniniwala, sa

Optimismo

Sa pangkalahatan, ang optimismo ay ang pagkakaroon ng magandang pananaw sa buhay. Tinatawag na optimista o optimist ang isang taong may ganitong paniniwala, sapagkat inaasam niya ang magagandang bagay na mangyayari sana. Palagian niyang inaasahan at hinahakang maganda ang kahihinatnan ng kanyang mga hininihintay o mga ginagawa, at magiging mabuti rin ang lahat ng anumang magaganap. Para sa kanya, lalabas na mainam ang lahat ng bagay sa buhay. Maaari ring maging isang doktrina, patakaran, o panuntunan ang ganitong pagtanaw sa buhay, sapagkat may mga taong naniniwala na ang daigdig ng tao "ang pinakamainam sa lahat ng daigdig". Para sa mga optimistiko, palaging gumaganda ang sansinukob at magtatagumpay, sa paglaon, ang kabutihan laban sa lahat ng mga anyo ng kasamaan.[1][2][3] Kabaligtaran ito ng pesimismo.

Ayon kay Martin Seligman, isang manggagamot sa Pamantasan ng Pensilbanya sa Estados Unidos, mas malaki ang pagkakataong magtagumpay at magtiyaga ang mga optimista kaysa mga pesimista. Dahil ito sa mga pananaw ng mga optimista na sanhi ng panlabas na mga bagay ang pagkabigo. Para sa kanila, panandalian lamang at hindi magtatagal ang kabiguan. Natagpuan pa rin ni Seligman, na nakapagtitipon ng mga boto ang optimismo, katulad ng mga positibong nilalaman ng mga talumpati ng mga kumakandidato. Batay kay Seligman, nakapagpapanalo ng mga laro ang optimismo, sapagkat nakapaglalaro ng mahusay ang mga optimistang may magandang pananaw kapag kinakapanayam ng midya. Idinagdag pa ni Seligman na mas malusog ang mga optimista, dahil sa isang pag-aaral at pagsusuring nagsasabing mas nakaliligtas at gumagaling kaagad ang mga lalaking nagkaroon ng unang atake sa puso kapag mayroon silang optimismo.[4]

Mga sanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Optimista, optimist, tanggap sa Tagalog ang dalawang pagbabaybay na ito; optimist". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731., pahina 950.
  2. Blake, Matthew (2008). "Optimist". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa optimist Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  3. Gaboy, Luciano L. Optimism, optimist, optimismo, optimista - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. The Christophers (2004). "Why Be Optimistic?". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384., pahina para sa "Enero 1".

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.