Ang omurice o omu-rice (オムライス, Omu-raisu) ay isang putaheng Hapones[1] na binubuo ng torta na gawa sa sinangag at manipis at piniriton
Omurice na binuhusan ng ketsap | |
| Lugar | Hapon |
|---|---|
| Pangunahing Sangkap | Itlog ng manok at kanin |
| Baryasyon | Omu Curry, Omuhayashi (na may kaning hayashi), Omu-Soba, Tampopo omurice |
| |
Ang omurice o omu-rice (オムライス Omu-raisu) ay isang putaheng Hapones[1] na binubuo ng torta na gawa sa sinangag at manipis at piniritong binating itlog, kadalasang nilalagyan ng ketsap.[2] Isa itong tanyag na ulam na karaniwang niluluto sa bahay. Partikular na mahilig ang mga bata sa omurice. Madalas itong itinatampok sa bersiyong Hapones ng pambatang pagkain, okosama-ranchi (お子様ランチ).[1]
Hinango ang omu at raisu mula sa Hapones na pagbigkas ng salitang Pranses na omelette at ng salitang Ingles na rice.[3] Isang halimbawa ng wasei-eigo ang pangalan na ito.
May ilang mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng omurice. Ayon sa isang kuwento, naimbento ito noong pagwawakas ng ika-20 siglo[3] sa isang Kanluraning restoran sa Renga-tei , isang distrito ng Ginza sa Tokyo, nabigyang-inspirasyon ng chakin-zushi.[4]
Ayon sa isa pang kuwento, nagmula noong 1925 sa isa pang Kanluraning restoran – Hokkyokusei sa Minami, Osaka – nang nagdesisyon ang isang kusinero na pasiglahin ang order ng isang regular na kostumer ng torta sa paglalagay ng kanin.[5]
Tipikal na binubuo ang putahe ng chikin raisu (ja) (kani't manok: kanin na pinirito sa kawali kasabay ng ketsap at manok) na binalutan ng manipis na binating itlog. Nag-iiba-iba ang mga sahog na nagpapalasa sa kanin. Kadalasan, ipiniprito ang kanin kasama ng iba't ibang karne (tipikal ang manok) o mga gulay, at maaaring timplahan ng sabaw ng baka, ketsap, demi-glace, sarsang puti o kahit asin at paminta lang. Paminsan-minsan, pinapalitan ang kanin ng pritong pansit (yakisoba) para makagawa ng omusoba. Isang baryante sa Okinawa ang omutako, na binubuo ng torta sa ibabaw ng taco rice. Sikat din ang paglalagay ng pritong hot dog at spam sa putahe.
Isa pang baryasyon ang volga rice, na nilalagyan ng kinatsung baboy na natatakpan ng mga mumo at binubuhusan ang buong putahe sa malinamnam na sarsa.[6][7]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.