Motel

Ang motel ay isang uri ng hotel o tuluyan[1] para sa mga nagmamanehong motorista, na karaniwang may tuwirang daanan o pasukan papunta sa isang bukas na

Motel
Isang motel sa Austriya.

Ang motel ay isang uri ng hotel o tuluyan[1] para sa mga nagmamanehong motorista, na karaniwang may tuwirang daanan o pasukan papunta sa isang bukas na pook na paradahan o kaya isang garahe, isang puwang o espasyong malapit sa bawat silid ng nasabing gusali.[2] Nagmula ang pangalang ito sa pinagsamang mga salitang "motor"  – tumutukoy sa sasakyang may mga gulong tulad ng kotse at motorsiklo  – at "hotel")[1], na naging kasingkahulugan ng pariralang "hotel para sa mga motorista" o "hotel para sa mga nagmamaneho ng sasakyang de-gulong".

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, unang tumutukoy ang salitang motel sa isang uri ng hotel na binubuo ng isang isahang gusaling may magkakadikit na mga silid na may mga pintong nakaharap sa isang loteng paradahan ng mga sasakyan at, sa ilang mga pagkakataon, isang pambalana o pampublikong lugar; o isang sunud-sunod na maliliit na mga kabinang may pangmadlang garahihan. Sa Estados Unidos, nang magsimulang umunlad ang sistema ng punong lansangan noong dekada ng 1920, naging mas pangkaraniwan ang malayuang paglalakbay sa mga lansangan na kaagapay ang pangangailangan ng mura at madaling mapuntahang mga akomodasyon o lugar na matutulugan na malapit sa mga pangunahing mga ruta, kaya't nabunsod ang pagkakaroon ng diwa ng motel.[3]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Motel, motor + hotel - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Motel". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 74.
  3. Jackson, Kristin (25 April 1993). "The World's First Motel Rests Upon Its Memories". Seattle Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-01. Nakuha noong 2008-04-02. {{cite web}}: Unknown parameter |= ignored ()

Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.