Ang miswa (na binabaybay ring misua o mee sua; Tsino: 麵線; Pe̍h-ōe-jī: mī-sòaⁿ) ay isang uri ng napakanipis na pansit na gawa sa harinang de-t…
Miswa mula sa Taywan | |
| Ibang tawag | Misua, wheat vermicelli |
|---|---|
| Uri | Tsinong pansit |
| Lugar | Tsina |
| Rehiyon o bansa | Fujian |
| Pangunahing Sangkap | Harinang de-trigo |
| |
| Miswa | |||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Pangalang Tsino | |||||||||||
| Tradisyunal na Tsino | 麵線 | ||||||||||
| Pinapayak na Tsino | 面线 | ||||||||||
| Kahulugang literal | sinulid na pansit | ||||||||||
| |||||||||||
| Pangalang Khmer | |||||||||||
| Khmer | មីសួ (mii suə) | ||||||||||
Ang miswa (na binabaybay ring misua o mee sua; Tsino: 麵線; Pe̍h-ōe-jī: mī-sòaⁿ) ay isang uri ng napakanipis na pansit na gawa sa harinang de-trigo.[1][2] Nagmula ito sa Fujian, Tsina.[2] Iba ito sa bihon at sotanghon na gawa sa bigas at monggo, ayon sa pagkabanggit.
Kumakatawan ang miswa sa mahabang buhay sa kulturang Tsino, kaya isa itong tradisyonal na pangkaarawang pagkain sa kanila. Dahil dito, madalas hinihimok na huwag nguyain o hiwain ang pansit miswa.[3] Kadalasan itong sinasahugan ng itlog, tokwa, siling-pula,[3] talaba, isaw ng baboy,[4] kabuteng shiitake, baka, lasuna o tanduyong, tinostang mani o pritong isda.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.