Sa pangkaraniwang pananalita, karaniwang itinutukoy ang Min Nan sa Hokkien. Ang Amoy at Hokkien Taiwanes ay parehong halo ng mga pananalita ng Quanzhou at Zhangzhou. Kabilang din sa lupong pangwika ng Min Nan ang Teochew, baga ma't limitado lang ang maaaring pagkakaunawaan nito sa Hokkien. Hindi intelihibleng mutwo ang Min Nan sa Min Dong (silangang Min), Kantones at Pamantayang Tsino (batay sa Mandarin).
Napanatili kahit na papaano sa Min Nan at mga wikain nito ang mga pagbigkas at bokabularyo ng Lumang Tsino na nawala sa ibang mga makabagong uri ng Tsino.
Ang isang uri ng Min Nan na mayroong kahalintulad sa ginagamit na salita sa katimugan ng Fujian ay ang Hokkien Taiwanes, kung saan katutubong pangalan nito ang Tâi-oân-oē o Hō-ló-oē. Timog Min ang pangunahing wika ng mga Hoklo, ang pangunahing etnisidad ng Taiwan.
Timog-Silangang Asya
Marami sa mga inmigranteng Tsino sa Timog-Silangang Asya ang mga tagapagsalita ng Min Nan. Karamihan sa mga inmigranteng etnikong Tsino sa rehiyong iyon ay mga Hoklo mula sa katimugan ng Fujian. Sa pangkalahatan, kilala ang Min Nan mula sa timog ng Fujian bilang Hokkien, Fukien o Fookien sa Timog-Silangang Asya. Karamihan sa mga etnikong Tsino sa labuwad na iyon ay nagmula rin sa rehiyong ng Chaoshan sa Guangdong at nakakapagsalita ng Teochew na isang uri ng Min Nan sa rehiyong iyon. Ang Hokkien Pilipino ang katutubong wika ng halos 98% ng komunidad na Tsino Pilipino sa Pilipinas na tinatawag na Lan-nang o Lán-lâng-oē (ang wika ng aming madla).
Ang mga tagapagsalita ng Min Nan ang bumubuo sa pinakamalaking mayoridad ng Tsino sa Singgapura, kung saan ang mga Hoklo at pinakamalakinf pangkat at pumapangalawa naman ang mga Teochew.
Branner, David Prager (2000). Problems in Comparative Chinese Dialectology — the Classification of Miin and Hakka. Trends in Linguistics series, no. 123. Berlin: Mouton de Gruyter. ISBN3-11-015831-0.
Chung, Raung-fu (1996). The segmental phonology of Southern Min in Taiwan. Taipei: Crane Pub. Co. ISBN957-9463-46-8.
Iûⁿ, Ún-giân. 台語線頂字典 [Taiwanese Hokkien Online Character Dictionary] (sa wikang Taiwanese at Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-25. Nakuha noong 2016-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: unrecognized language (link)
臺灣閩南語常用詞辭典, Dictionary of Frequently-Used Taiwan Minnan by Ministry of Education, Republic of China (Taiwan).