Ang ilan sa mga diyalektong Koreano ay ginagamit sa Tangway Koreano. Sadyang mabundok ang mismong tangway at ang "teritoryo" ng bawat wikain o diyalekto ay halos tumutugma sa mga likas na hangganan sa pagitan ng iba't ibang pangheograpikong rehiyon ng Korea. Ipinangalan ang halos lahat ng mga wikaing iyon mula sa Walong Lalawigan ng Korea. Mayroong isang namumukod-tangi sa iba na itinuturing nang hiwalay na wika, ang Wikang Jeju.
Ang pamantayang wika
Sa Timog Korea, ang Pamantayang Koreano (표준어/標準語) ay binigyang-depinisyon ng Pambansang Instituto ng Wikang Koreano bilang "makabagong pananalita ng Seoul na malawakang ginagamit ng mga nilinang nang mabuti" (교양있는 사람들이 두루 쓰는 현대 서울말). Sa paggamit, nangyayaring hindi naisasama ang mga tampok na matatagpuan lang sa Seoul.
Sa Hilagang Korea, nabanggit sa proklamasyong pagpapatibay na ang Wikaing Pyongan na ginagamit sa kabiserang Pyongyang, at sa mga napapalibutan nito, ang siyang magiging batayan para sa pamantayan ng wikang Koreano sa Hilagang Korea, ang Munhwaŏ; ganoon pa man, sa paggamit, nananatili itong "malalim na nakaugat" sa Wikaing Seoul, na siyang naging pambansang pamantayan sa loob ng mga nagdaang sentenaryo.[2]
Sa kabila ng pagkakaiba ng wikang Koreano ng hilaga at timog, malawakan pa ring nagkakaunawaan ang dalawang pamantayan. Isang kapansin-pansing tampok sa diberhensya (pagkakalayo) ang kakulangan ng mga anglisismo ng Hilaga dahil sa aylasyonismo (pagbubukod mula sa lahat) ang ang ideolohiyang Juche (pagdepende sa sariling kakayahan) at paggamit ng puro at nilalang na mga salitang Koreano.