Memnon

Sa mitolohiyang Griyego, si Memnon (Griyego: Mέμνων) ay isang haring Etiyopiyano at anak na lalaki ni Haring Tithonus (o Titon) ng Etiyopiya at Eos (kilala

Memnon
Si Memnon.

Sa mitolohiyang Griyego, si Memnon (Griyego: Mέμνων) ay isang haring Etiyopiyano at anak na lalaki ni Haring Tithonus (o Titon) ng Etiyopiya at Eos (kilala rin bilang Aurora), ang diyosa ng madaling-araw o bukang-liwayway. Isa siyang bayani sa Digmaan ng Troya. Pinamunuan niya ang isang malaking hukbong pangkatihan upang tulungan si Haring Priam ng Troya. Pinaslang niya si Antilochus, ang lalaking anak ng pinuno ng mga Griyegong si Nestor. Sa bandang huli, napatay ni Achilles si Memnon, bilang paghihiganti ni Achilles dahil sa pagkamatay ni Nestor.[1] Bilang isang mandirigma, itinuturing na magkatumbas sa kasanayan sina Memnon at Achilles. Maihahambing ang kamatayan ni Memnon sa kamatayan ni Hector, na isa ring mandirigmang tagapagtanggol ng Troya na napatay din ni Achilles, dahil naman sa paghihiganti ni Achilles dahil sa pagkapaslang ni Hector kay Patroclus, isang kasamahang mandirigma ni Achilles. Pagkaraan ng kamatayan ni Memnon, naawa si Zeus dahil sa pagtangis Eos, kaya't binigyan ni Zeus si Eos ng buhay na walang-hanggan.

Kaugnay ang kamatayan ni Memnon ng nawawalang epikong Aithiopis (o Aethiopis), na isinulat pagkaraan ng Ang Iliada noong bandang ika-7 daang taon BK. Itinala ni Quintus ng Smyrna ang kamatayan ni Memnon sa Posthomerica. Inilarawan din ang kamatayan ni Memnon sa Imagines ni Philostratus.

May isang estatuwang itinalaga para kay Memnon sa Ehipto, na sinasabing nagpapakawala ng isang matugtuging tunog tuwing pagsikat ng araw.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. {{cite encyclopedia}}: Missing or empty |title= (), Dictionary Index para sa titik M, pahina 589.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.