Ang Meleti (Lodigiano: Melét; lokal na Mlìd) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Lodi, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagp
Meleti Melét (Lombard) | ||
|---|---|---|
| Comune di Meleti | ||
| ||
| Mga koordinado: 45°10′N 9°51′E / 45.167°N 9.850°E | ||
| Bansa | Italya | |
| Rehiyon | Lombardia | |
| Lalawigan | Lodi (LO) | |
| Pamahalaan | ||
| • Mayor | Mario Raffaele Rocca | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 7.39 km2 (2.85 milya kuwadrado) | |
| Taas | 40 m (130 tal) | |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
| • Kabuuan | 442 | |
| • Kapal | 60/km2 (150/milya kuwadrado) | |
| Tawag sa tagalugar | Meletesi | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Kodigong Postal | 26843 | |
| Kodigo sa pagpihit | 0377 | |
| Websayt | Opisyal na website | |
Ang Meleti (Lodigiano: Melét; lokal na Mlìd) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Lodi, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog-silangan ng Milan at mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Lodi.
Ang Meleti ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Crotta d'Adda, Cornovecchio, Maccastorna, Castelnuovo Bocca d'Adda, at Caselle Landi.
Noong ika-12 siglo ito ay naging pag-aari ito ng simbahan ng Milan. Pagkatapos ay naipasa ito sa mga kamay ng mahahalagang pamilyang Lombardo; kasama ang Basiasco, Corno Giovine, Cornovecchio, Pizzighettone Maleo, at Maccastorna; ito ang bumubuo sa teritoryo kung saan ang pamilya Vincemala (Vismara) ay nagsagawa ng Imperyong Mero e Misto.
Noong Gitnang Kapanahunan, ang Meleti ay kabilang sa mahahalagang pamilya sa lugar ng Lodi (Stampa, Pusterla, Selvatico, Corno) at sa Obispo ng Lodi, na noong 1344 ay napilitang ibigay ito sa Visconti.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.