Si Max Warren (ipinanganak noong 1904) ay isang Ingles na Angglikanong pari, misyonero, bikaryo, at may-akda. Isa siyang kanon (paring sekular) ng Monasteryo n
Max Warren | |
|---|---|
| Kapanganakan | 13 Agosto 1904[1]
|
| Kamatayan | 23 Agosto 1977[2]
|
| Mamamayan | United Kingdom |
| Nagtapos | Ridley Hall |
| Trabaho | pari, Misyonaryo |
Si Max Warren (ipinanganak noong 1904) ay isang Ingles na Angglikanong pari, misyonero, bikaryo, at may-akda. Isa siyang kanon (paring sekular) ng Monasteryo ng Westminster sa Inglatera.[3]
Isinilang siya sa Dublin, Irlanda. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Cambridge. Noong 1927, naglakbay siya bilang isang misyonero para sa Samahang Misyonero ng Simbahan (Church Missionary Society) ng Simbahang Angglikano. Naging bikaryo siya ng Simbahan ng Banal na Santatlo (Holy Trinity Church) ng Cambridge. Sa paglaon, naging Panlahat na Kalihim siya ng Samahang Misyonero ng Simbahan magpahanggang 1963. Maraming ulit siyang naglakbay sa Estados Unidos.[3]
Bilang isang awtor, inakdaan niya ang mga aklat na The Christian Imperative (Ang Pananagutang Kristiyano) at Challenge and Response (Hamon at Tugon).[3]
{{cite web}}: Missing or empty |title= ()
{{cite web}}: Missing or empty |title= ()
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.