Ang Marimar ay isang Mehikanong telenobelang pantelebisyon na orihinal na ipinalabas noong 1994 ng Televisa. Ang Marimar ay isang remake ng telenobelang La
| Marimar | |
|---|---|
Pabalat ng DVD ng palabas na pantelebisyong Marimar | |
| Uri | Telenovela, Drama, Pag-iibigan |
| Gumawa | Televisa |
| Direktor | Beatriz Sheridan |
| Pinangungunahan ni/nina | Thalía Eduardo Capetillo |
| Kompositor ng tema | Paco Navarette, Viviana Pimstein |
| Bansang pinagmulan | Mehiko |
| Wika | Kastila |
| Bilang ng kabanata | 72 |
| Paggawa | |
| Prodyuser tagapagpaganap | Angelli Nesma Medina |
| Oras ng pagpapalabas | 45 minuto |
| Pagsasahimpapawid | |
| Himpilan | Canal de las Estrellas |
| Release | 1994 |
Ang Marimar ay isang Mehikanong telenobelang pantelebisyon na orihinal na ipinalabas noong 1994 ng Televisa. Ang Marimar ay isang remake ng telenobelang La Venganza, na ipinalabas sa Televisa noong 1977 at pinagbidahan nina Helena Rojo at Enrique Lizalde.
Ito ay masyadong kilala sa Latin Amerika, Brazil, Estado Unidos, kabilang ang mga manonood sa French Overseas Network sa mga departamento at teritoryo ng French overseas at mga mananalita ng Portuges (sa pamamagitan ng Brazil) sa Aprika at isa sa pinakapinanonood na telenobela sa Pilipinas at Indonesia. Ayon sa arawang dyaryong Ivoir 'Soir, "Sa tiyak na ika-7:30 ng gabi, ang Marimar ay nagsisimula at ang buhay ay tumitigil sa Côte d'Ivoire". Ang mang-aawit na si Thalía ang pinakamalaking bituin sa telenobelang ito.
Si Marimar ay isang mahirap at inosenteng dalaga na nakatira sa may dalampasigan kasama ang kanyang lolo at lola. Siya ay umibig kay Sergio, anak ng isang mayaman. Si Sergio ay pumayag na pakasalan si Marimar kahit na hindi ito gusto ng kanyang ama at madrasta ngunit habang lumilipas ang panahon siya ay umibig ng matindi kay Marimar.
Ang madrasta ni Sergio na si Angelica ay hindi gusto si Marimar dahil sa pagiging inosente at walang alam sa mundo ng alta sociedad nito. Lagi pinapahiya ni Angelica si Marimar, madalas na minamaliit nito ang pagkatao nito. Nagalit si Sergio at nagpasiyang umalis at kumita ng sariling pera upang maialis si Marimar sa bahay ng kanyang ama at ligtas kay Angelica. Isinuplong sa pulis ni Angelica si Marimar dahil nagnakaw daw ito ng pulseras mula sa kanya at nakulong si Marimar. Habang si Marimar ay nasa kulungan, pinadala ni Angelica ang isa sa kanyang mga tauhan, na si Nicandro, na sunugin ang maliit na kubo ng lolo at lola ni Marimar, at dahil dito namatay ang lolo at lola ni Marimar. Pagkatapos, ginaya ni Angelica ang sulat-kamay ni Sergio at sumulat ng isang liham para kay Marimar na nagsasaad na wala na siyang gusto dito at hindi na siya mahal nito. At dahil sa mga pangyayaring iyon binago siya nito at naghasik ng paghihiganti balang araw.
Matapos lumaya, nagtungo si Marimar sa siyudad ng Mehiko mula sa kanyang pinagmulang San Martin de la Costa at siya ay nagtrabaho upang manumbalik ang buhay at habang ito ay nangyayari nakilala niya ang kanyang tunay na ama (si Gustavo Aldama), na hindi nito alam at siya rin ay hindi alam, at siya ay tinuruan kung paano maging isang babaing may dangal, magbasa, magsulat, magsalita ng maayos at manamit.
Pagkatapos ng malaking pagbabago ni Marimar at handa ng humarap sa lipunan, nagpasiya ang kanyang ama na dalhin siya sa Opera at doon nakita niyang muli si Sergio at dito nag-umpisa ang aksiyon. Dahil sa paghihiganti, inakit ni Marimar (ginamit niya ang bagong identity na "Bella Aldama" at tinatanggi niya kay Sergio at sa ibang mga tao na siya si Marimar) si Sergio at pagkatapos ito ay tatanggihan para saktan niya ito, at kasabay nito tinanggalan niya ng kayamanan ang ama at madrasta ni Sergio. Binili ni Marimar ang bahay ng mga Santibáñez at pinahiya niya si Angelica katulad ng pagpapahiya sa kanya dati. Diniborsyo ni Sergio si Marimar at naghandang pakasalan si Innocencia, nagplano si Marimar na paghiwalayin ang dalawa. May lihim parin ng pagmamahal si Sergio kay Marimar.
Si Angelica ay nakasama sa isang aksidente sa kotse, nasunog at namatay na may huling kahilingan kay Marimar na siya (si Marimar) ay masunog ng buhay sa kanyang bahay. Nalaman ni Innocencia na dinadalaw ni Sergio si Marimar at sinubukang pumasok sa bahay ni Marimar. Si Innocencia ay nagdadalang-tao (kay Sergio) at siya ay nahulog at dinala sa ospital na kung saan siya ay nanganak at nagkaroon ng tumor sa utak. Nagpasiya si Marimar na kalimutan na si Sergio sa pamamagitan ng pag-ibig muli sa ibang lalaki na isang inhinyero na nagngangalang Adrián Rosales. Pagkatapos noon, inoperahan si Innocencia sa kanyang utak at pagkatapos ay nagsisi siya sa lahat ng mali niyang nagawa at pinahintulutan niyang pakasalan ni Marimar si Sergio. Sa katapusan sila ay nagpakasal at namuhay ng masaya.
| Kategorya | Nominado(a) | Resulta |
|---|---|---|
| Pinakamahusay na Aktres sa Pangunahing Papel | Thalía | Nominada |
| Pinakamahusay na Aktor sa Pangunahing Papel | Eduardo Capetillo | Nominado |
| Pinakamahusay na Kontrabida (Babae) | Chantal Andere | Nominada |
| Pinakamahusay na Kontrabida (Lalaki) | Toño Infante | Nominado |
| Pinakamahusay na Unang Aktor]] | Tito Guízar | Nominado |
| Telenobelang may Pinakamataas na Antas ng Panonood sa Estados Unidos | Nanalo | |
| Kategorya | Nominado(a) | Resulta |
|---|---|---|
| Pinakamahusay na Programang Pang-entablado ng Taon | Verónica Pimstein | Nanal |
| Pinakamahusay na Babaeng Personalidad ng Taon | Thalía | Nanalo |
| Pinakamahusay na Lalaking Personalidad ng Taon | Eduardo Capetillo | Nanalo |
| Pinakamahusay na Direksiyon[1] | Beatriz Sheridan | Nanalo |
Nakamit ng palabas ang pambihirang tagumpay sa Pilipinas nang ito’y ipinalabas noong 1996 sa RPN na may salin sa Filipino.[2] Lubos na nahumaling ang mga manonood, na umabot sa pinakamataas na rating na 61.7%. Dahil sa kasikatang ito, muling ipinalabas ng RPN ang serye, na lalo pang nagpatibay sa katayuan nito bilang isang kultural na penomenon. Ang tagumpay na ito ang nagbukas ng daan para sa iba pang mga telenobelang mula sa Mehiko na maipalabas sa bansa, na nakaimpluwensiya sa lokal na programa sa telebisyon. Naging daan din ito upang maipalabas ang iba pang telenobela ni Thalía gaya ng Maria Mercedes, María la del Barrio, at Rosalinda. Bukod dito, nagbago rin ang takbo ng mga teleserye sa Pilipinas tungo sa mas mabilis na daloy ng kuwento.[3]
Ang Marimar: The Movie, isang tampok na pelikulang buod ng telenobela, ay ipinalabas sa mga sinehan ng Solar Entertainment sa Pilipinas noong Oktubre 2, 1996.[4]
Bunga ng napakalaking tagumpay ng Marimar at ng matinding kahilingan ng publiko, bumisita si Thalía sa Pilipinas para sa isang konsiyerto sa Araneta Coliseum noong Agosto 18, 1996. Muling bumalik siya noong 1997 para sa dalawang araw na konsiyerto.[5] Lubos na ikinatuwa ng mga tagahanga ang kanyang pag-awit ng ilang linya sa Filipino, kabilang ang bersyong Tagalog ng María la del Barrio[6] at ang minamahal na awit na Nandito Ako.[7] Higit lalo pa siyang minahal ng mga manonood nang siya’y nakipagbiruan sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Chika lang!” at pagkanta nito sa gitna ng kanyang pagtatanghal. Pinuri ang naturang konsiyerto dahil sa mahusay na produksiyon at sa malalim na ugnayan ni Thalía sa kanyang mga tagahanga sa Pilipinas, na naging isa sa mga pinakanatatandaan at pinakapinupuring Latin na konsiyerto sa bansa.[8]
Mayroon ding isang parody account ng kontrabidang karakter ni Chantal Andere na tinawag na Senyora Santibañez.[9]
| Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa isang di-tinukoy na artikulo ng [/wiki/Marimar: marimar.wikipedia]. |
A 3-Hour Saga You Can't Afford To Miss!!!
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.