Ang Mao (Arabe: مؤ) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Kanem at ng Departamento ng Kanem. Ito ang ika-16 na pinakamataong lungsod sa Chad, at
Mao مؤ | |
|---|---|
| Mga koordinado: 14°07′10″N 015°18′48″E / 14.11944°N 15.31333°E | |
| Bansa | |
| Rehiyon | Kanem |
| Departmento | Kanem |
| Sub-Prepektura | Mao |
| Taas | 1,112 tal (339 m) |
| Populasyon (2008) | |
| • Kabuuan | 19,004 |
| Sona ng oras | +1 |
Ang Mao (Arabe: مؤ) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Kanem at ng Departamento ng Kanem. Ito ang ika-16 na pinakamataong lungsod sa Chad, at matatagpuan ito 226 na kilometro (140 milya) hilaga-hilagang silangan ng N'Djamena. Ang heograpiya ng Mao, na matatagpuan sa hangganan ng Sahara, ay tinatanda ng mga burol ng buhangin at kakaunting behetasyon.
Tulad sa ibang mga rehiyon ng bansa, ang Mao ay pinamumunuan ng kapuwa kinagisnang Sultan[1] at mga opisyal ng pamahalaang sentral. Ang Sultan ng Kanem na nakatira sa Mao ay ang kinagisnang pinuno ng mga Kanembou.[1] Ang mga hakbang tungo sa desentralisasyon ay hinadlangan ng magusot at kung minsan ay maigting na ugnayan sa pagitan ng mga kinagisnang pinuno sa Chad at pambansang maykapangyarihan.
Itinatag noong 1898 ang Mao ni Sultan Ali, kapatid ni Sultan Djourab na pinaslang ng mga Fezzan at ibang mga kasabwat. Mula noong 1900, ang Mao ay naging may-bisang sentrong pampangasiwaan ng hilaga.
Noong ika-18 July 2010, ang Sultan of Kanem na si Alifa Ali Zezerti, ay pumanaw sa edad na 83 taong gulang sa pagamutan sa N'Djamena, mula sa mga komplikasyon ng atake sa puso. Siya ang pang-39 na pinunuo ng dinastiyang Kanem,[2] at namuno mula noong 1947.[3] Inilibing siya sa Mao. Ang kaniyang sinundan na si Sultan Zezerti na namuno mula noong 1925 ay pumanaw noong 26 Setyembre 1947.[4][5] Inihalal ang kaniyang anak bilang sultan sa isang halalang walang kalaban.
Noong Oktubre 2013 sumiklab ang mga gulo sa pangunahing pamilihan ng Mao na nakapuntirya sa administrasyon ni Idriss Déby pagkaraang pinatay ng isang opisyal na malapit kay Déby ang isang sibilyan.[6][7] Noong 30 Setyembre 2015, dakong alas-8 ng gabi, nasunog ang nabanggit na pamilihan. Hindi matukoy ang sanhi; gayunpaman, walang naiulat na mga nasawi sa pangyayari.[8] Muling nasunog ang pamilihan noong 12 Mayo 2016, sa pagkakataong ito sa alas-5 ng umaga. Nagsimula ang apoy sa kalapit na imbakan ng gasolina. Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing pangyayari.[9]
Tuwing Miyerkules na itinaguriang "Grand Market Day", ibinebenta mga sariwang gulay tulad ng mga sibuyas, bawang, datilero, asanorya, kamatis, pipino, at minsan mga talong na ipinakilala ng Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura (FAO) ng UN noong 2009. Ibinebenta rin ang mga prutas, lalo na ang mga saging kung minsan mga mangga, papaya at bayabas. Makakukuha rin ang mijo sa puti at pulang mga uri .[10]
Napakaliblib ang lungsod at mahirap ang paglalakbay sa lupa (sa kahabaan ng mga mabuhanging daanan na madaraanan lamang ng mga sasakyang four-by-four o kamelyo).[1] May isang maliit na paliparan ang bayan, Paliparan ng Mao IATA: AMO, ICAO: FTTU, na may patag na palapagan.
| Taon | Pop. | ±% |
|---|---|---|
| 1993 | 13,277 | — |
| 2003 | 17,000 | +28.0% |
| 2008 | 19,004 | +11.8% |
Karamihan sa mga naninirahan sa Mao ay mga Muslim. Subalit may dalawang mga simbahang Kristiyano sa Mao, isang Katoliko at isang Protestante.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.