Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: [maˈnaɣwa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may p
Managua Managua Leal Villa de Santiago de Managua | |||
|---|---|---|---|
Malaking lungsod | |||
| |||
![]() | |||
| Mga koordinado: 12°09′17″N 86°16′25″W / 12.1547°N 86.2737°W | |||
| Bansa | |||
| Lokasyon | Managua Department, Nicaragua | ||
| Itinatag | 24 Marso 1819 | ||
| Kabisera | Managua (City) | ||
| Pamahalaan | |||
| • Pinuno ng pamahalaan | Reyna Rueda | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 267.2 km2 (103.2 milya kuwadrado) | ||
| Populasyon (2005, Senso) | |||
| • Kabuuan | 937,489 | ||
| • Kapal | 3,500/km2 (9,100/milya kuwadrado) | ||
| Wika | Kastila | ||
| Websayt | https://www.managua.gob.ni/ | ||
Ang Managua (pagbigkas sa wikang Kastila: [maˈnaɣwa]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Nicaragua, at sentro ng isang departamentong may parehong pangalan din. Matatagpuan sa timog-kanlurang baybayin ng Lawa ng Managua at sa loob ng Departamento ng Managua, tinatayang nasa 1,042,641 ang populasyon nito noong 2016 sa loob ng administratibong hangganan ng lungsod[1] at isang populasyon na 1,401,687[1] sa kalakhang lugar nito, na karagdagang kabilang ang Ciudad Sandino, El Crucero, Nindirí, Ticuantepe at Tipitapa.[2]
Dinideklera ang lungsod bilang pambansang kabisera noong 1852.[3][4] Noong nakaraan, nagpapalit-palit ang kabisera sa pagitan ng mga lungsod ng León at Granada.
May dalawang posibleng pinagmulan ng pangalang "Managua". Maaring nagmula ito sa katawagang Mana-ahuac, na sa katutubong wikang Nahuatl ay sinasalin bilang "katabi sa tubig" o ang lugar na "pinapaligiran ng tubig."[3][4] O, maari itong nagmula sa wikang Mangue, kung saan ang salitang managua ay sinasabing nangangahulugang "lugar ng malaking tao" o "pinuno."[5] Tinatawag ang mga residente ng lungsod bilang managuas, managüenses, o capitalinos.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.