Ang MAX ang isang grupo ng mang-aawit na mula sa bansang Hapon. Ang ibig sabihin ng "MAX" ay "Musical Active eXperience".

Ang MAX ang isang grupo ng mang-aawit na mula sa bansang Hapon. Ang ibig sabihin ng "MAX" ay "Musical Active eXperience".
Ang MAX ay kinabibilangan ng dating miyembro ng Super Monkey's na sina "Mina" (Minako Inoue), "Nana" (Nanako Takushi), "Reina" (Reina Miyauchi) at "Lina" (Ritsuko Matsuda). Nagsimula sila bilang "MAX" noong humiwalay si Namie Amuro sa grupo. Pinangalan silang "MAX" ng pangulo ng kompanyang avex na si MAX Matsuura. Ang mga pangalang "Mina", "Nana", "Reina" at "Lina" (mga pangalan na nagtatapos sa "...na") ay ginamit na "stage name" ng grupo noong sumikat na sila.
Nilabas ang una nilang plaka noong 1995 at ito ay pinamagatang "Koi suru Velfarre Dance". Hindi ito bumenta at tumigil pansamantala ang MAX sa pagkanta matapos nilang ilabas ang kanilang pangalawang plaka na "Seventies". Ngunit naging sikat sila noong ilabas nila ang pangatlo nilang plaka...ang "TORA TORA TORA". Matapos nito ay naglabas sila ng una nilang album...ang "MAXIMUM" na kinapapalooban ng mga salin na awit na may temang "Eurobeat". Ito ay sinundan noong 1997 ng plakang "Give me a shake" na naging "no. 1" sa talaan ng musika na Oricon.
Simula noong 1996 ay nakipagsapalaran ang grupong MAX sa larangan ng pag-arte. Gumanap sila sa isang pelikula na pinamagatang "Ladies MAX" at kinanta nila ang "theme song" ng pantelebisyong drama na "Sweet Devil" ng TV Asahi. Gumanap din sila sa telebisyon tulad ng "daiba:ba" ng Fuji TV at "Girls" ng Nippon TV.
Noong 2002 ay napabalitang nagdadalantao si Mina at iniwan niya pansamantala ang grupo. Noong Hulyo ng taong iyon, napabilang si Aki Maeda ("Aki") sa grupo bilang bagong miyembro. Hati ang opinyon sa kanya ng mga tagahanga ng MAX. Ngunit noong 2006, inihayag ni Mina na aalis na siya sa grupo.
Sa 2006 din sila unang magtatanghal ng konsyerto sa Beijing sa bansang Tsina.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.