| Litob | |
|---|---|
| Takupis ng litob (ispesimen mula sa MNHN, Paris) | |
| Pag-uuring siyentipiko | |
| Kaharian: | Animalia |
| Pilo: | Mollusca |
| Klase: | Bivalvia |
| Orden: | Arcida |
| Pamilya: | Arcidae |
| Henero: | Tegillarca |
| Espesye: | T. granosa
|
| Pangalang dalawahan | |
| Tegillarca granosa | |
| Kasingkahulugan | |
| |
Ang litob (Tegillarca granosa o Anadara granosa[2]) ay isang uri ng kabibe sa pamilyang Arcidae. Sa wikang Ingles, tinatawag itong blood cockle o blood clam dahil sa pulang hemoglobin na likido sa loob ng malambot na himaymay nito. Matatagpuan ito sa buong rehiyon ng Indo-Pasipiko mula sa silangang baybayin ng Timog Aprika pahilaga at pasilangan hanggang Timog-silangang Asya, Australya, Polinesya, at hanggang hilagang Hapon. Pangunahing namumuhay ito sa tabing-dagat mula isa hanggang dalawang metrong lalim ng tubig na nakabaon sa buhangin o putik. Kapag adulto na ito, halos 5 hanggang 6 cm ang haba at 4 hanggang 5 cm ang lapad nito.[3]
Mataas ang halaga nito sa ekonomiya bilang pagkain, at inaakuwakultura ito. Sa baybayin ng Lalawigan ng Zhejiang lamang, sumasakop ang mga lituban ng halos 145,000 mu (halos 100 km2) ng latiang-putik.[5] Ipinapalaki rin itong mga kabibe sa mga estero ng ilog ng karatig na Lalawigan ng Fujian.[4]
Sa Indonesya, medyo sikat na pagkain ang litob (Indones: kerang darah) at inihahain sa iba't ibang klase ng pagluluto, kabilang dito ang pinakuluan, pinrituhan, at gisado. [6]
Sa Korea, kkomak (꼬막) ang tawag sa litob at niluluto sa at tinitimplahan ng toyo, gochutgaru (pinulbos na sili), at langis ng linga.[7]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.