Li Bai

Si Li Bai o Li Po (Tsino: 李白; pinyin: Lǐ Bái / Lǐ Bó) (701-762) ay isang Tsinong manunula. Bahagi siya ng isang pangkat ng mga iskolar na Tsino…

Li Bai
Li Bai
Kapanganakan701
Sui Ye
Kamatayan762
Dan Tu
TrabahoManunula
NasyonalidadTsino
PanahonTang dynasty

Si Li Bai o Li Po (Tsino: ; pinyin: Lǐ Bái / Lǐ Bó) (701-762) ay isang Tsinong manunula. Bahagi siya ng isang pangkat ng mga iskolar na Tsino na tinatawag na ang "Walong Imortal ng Kalis ng Alak" sa isang tula ng kanyang kasamang manunula na si Du Fu. Tinuturing si Li Bai, kasama si Du Fu, bilang isa sa dalawang pinakadakilang manunula sa kasaysayan ng panitikan sa Tsina. Tinatayang mahigit sa 1,100 sa kanyang mga tula ang nanatili pa hanggang sa ngayon. Unang nilathala sa kanluraning wika ang mga gawa ni Li Po noong 1862 ni Marquis d'Hervey de Saint-Denys sa kanyang Poésies de l'Époque des Thang (Mga Tula mula sa Kapanahunan ng Tang).[1] Sa mga nagsasalit ng wikang Ingles, napakilala ang mga gawa ni Li Bai sa pamamagitan ng isang publikasyon ni Herbert Allen Giles na History of Chinese Literature (1901) at sa pamamagitan ng liberal, ngunit malatulang impluwensiya, na salin ng Hapong bersyon ng kanyang mga tulang ginawa ni Ezra Pound.[2]

Mga sanggunian

  1. D'Hervey de Saint-Denys (1862). Poésies de l'Époque des Thang (Amyot, Paris). Tingnan Minford, John at Lau, Joseph S. M. (2000)). Classic Chinese Literature (Columbia University Press) ISBN 978-0-231-09676-8.
  2. Pound, Ezra (1915). Cathay (Elkin Mathews, London). ASIN B00085NWJI.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.