Laniakea

Ang Laniakea ay isang superklaster ng mga galaksiya. Ang ating galaksiyang Daang Magatas ay nasa loob ng Laniakea. Mahigit nang 100 000 galaksiya ang nas

Laniakea

Ang Laniakea ay isang superklaster ng mga galaksiya. Ang ating galaksiyang Daang Magatas ay nasa loob ng Laniakea. Mahigit nang 100 000 galaksiya ang nasa loob ng Laniakea. Ang kalawakang kalaparan ay mga 520 milyong sinag-taon.

Laniakea at kapitbahay
Hangganan ng Laniakea

Ang salitang Laniākea ay galing sa wika ng Hawaii na ang ibig sabihin ay langit na malawak. Ang lani ay langit. Ang ākea ay malawak. Ang pangalan ay suhestiyon ni Nawaʻa Napoleon, isang kasosyong propesor ng wikang Hawayano ng Kolehiyong Pangkomunidad ng Kapiolani.

Itong superklaster ng mga galaksiya ay natukoy at natagpuan noong 2014 ng isang pangkat ng mga siyentipikong kabilang sina Brent Tully sa Unibersidad ng Hawaii, Hélène Courtois ng Unibersidad ng Lyon, Yehuda Hoffman ng Hebreong Unibersidad ng Herusalem, at Daniel Pomarède ng CEA Université Paris-Saclay.[1]

Kinukumpara ang superklaster ng mga galaksiya sa tubig-saluran (Ingles: watershed). Ang ating galaksiyang Daang Magatas ay isang maliit na patak lamang sa Laniakea.

Ang Daang Magatas at maraming ibang galaksiya ay naaakit sa lugar na kung tawagin ay Dakilang Akit (Ingles: Great Attractor) na mga 160 milyong sinag-taon ang layo, lugar ng mga klaster ng mga galaksiya ng Centaurus, Norma, at Hydra.

May mga apat na parte ang Galaksiyang Superklaster ng Laniakea:

  • Galaksiyang Superklaster ng Virgo, ang parteng umiiral ang ating galaksiyang Daang Magatas
  • Galaksiyang Superklaster ng Hydra-Centaurus
    • ang Dakilang Akit, Laniakeang sentral na grabitasyong lugar na malapit sa Galaksiyang Klaster ng Norma
    • Bakod ng Antlia, kaalamang bilang Galaksiyang Superklaster ng Hydra
    • Galaksiyang Superklaster ng Centaurus
  • Galaksiyang Superklaster ng Pavo-Indus
  • Galaksiyang Superklaster sa Timog, kabilang ang Galaksiyang Klaster ng Fornax (S373), ang Galaksiyang Klaster ng Dorado, at ang Galaksiyang Klaster ng Eridanus.[2]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Tully, Brent; et al. (2014). The Laniakea supercluster of galaxies. Nature. https://www.nature.com/articles/nature13674
  2. Mitra, Shyamal (1989). "A Study of the Southern Supercluster". The World of Galaxies, Pp 426-427. Springer, New York, NY.: 426–427. doi:10.1007/978-1-4613-9356-6_65. ISBN 978-1-4613-9358-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 June 2018. Nakuha noong 23 September 2020.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.