K–12

Ang K–12 (binibigkas bilang "k twelve", "k through twelve", o "k to twelve") ay isang katawagan para sa kabuuang edukasyong elementarya at mataas na paaralan.

Ang K–12 (binibigkas bilang "k twelve", "k through twelve", o "k to twelve") ay isang katawagan para sa kabuuang edukasyong elementarya at mataas na paaralan. Ginagamit ito sa Estados Unidos, Kanada, Timog Korea, Turkey, Pilipinas, Ehipto, Australia, Iran at Ekwador. Ginagamit din ang katawagang P–12 paminsan-minsan sa Australia.[1] Ang katawagan ay pagpapaikli ng kindergarten (K) hanggang ikalabindalawang baiting (Ikadalawampung Baitang), ang una at huling mga antas ng libreng edukasyon sa mga bansang nabanggit. Tinatawag din ito ELHI, pinaikling elementary to high school.

Etimolohiya

Ang terminong "K–12" ay ang pagpapaikli ng kindergarten (K) para sa mga batang edad 5–6 hanggang sa ika-12 na baitang para sa mga edad 17–18, bilang ang pinakauna at pinakahuling mga antas ng baitang sa libreng edukasyon sa mga iba't ibang bansa. Ang kaugnay na terminong "P–12" ay ginagamit din paminsan-minsan sa Australia at Estados Unidos upang tukuyin ang kabuuan ng K–12 kasama ang preschool na edukasyon.

Sa Pilipinas

Sa Pilipinas, nagsimula ang siyam na taong implementasyon ng K-12 Education Program sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Mayo 20, 2008. Ipinagpatuloy ito sa administrasyon ng pangulong Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte hanggang sa mapawalang bisa na ang K-10 nang maipatupad ang K-12 sa ika-anim na baitang noong Hunyo 5, 2017. Naging epektibo ang programa noong Abril 24, 2012 apat na taon matapos masimulan ang proseso ng implementasyon nito. Ayon sa mga opisyal at mga tao na pabor dito ay makakatulong daw upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ating bansa. Isa rin sa dahilan nito ay ang pag-unlad ng ating bansa at makasabay sa estado ng ibang bansa ayon sa opinyon ng iba.

Sa implementasyon at pagkaepektibo nitong K-12, magkakaroon pa nang karagdagang kaalaman ang mga batang nag-aaral. Ngunit may iba ring Hindi sang-ayon dito dahil madadagdagan lamang ang kanilang babayaran sa matrikula.

Mga sanggunian

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.