Ang puto kutsinta o kutsinta ay isang uri ng puto na matatagpuan sa buong Pilipinas. Gawa ito mula sa pinaghalong balinghoy o harinang-bigas, pulang asukal at l
| Ibang tawag | Kuchinta, Kutchinta, Puto kutsinta, Puto cuchinta |
|---|---|
| Uri | Kakanin |
| Kurso | Panghimagas o merienda |
| Lugar | Pilipinas |
| Ihain nang | Katamtamang temperatura |
| Pangunahing Sangkap | Balinghoy o harinang-bigas, pulang asukal, lihiya, ginadgad na laman ng niyog |
| |
Ang puto kutsinta o kutsinta ay isang uri ng puto na matatagpuan sa buong Pilipinas. Gawa ito mula sa pinaghalong balinghoy o harinang-bigas, pulang asukal at lihiya, na pinakulay ng dilaw na pangkulay o katas ng annatto, at pinasingaw sa mga maliliit na ramekin. Tinatabunan ang mga nilutong kakanin ng kakagadgad na laman ng hinog na niyog.[1] Buong taon kinakain ito sa bilang minandal, at madalas na ibinebenta kasama ng puto. Hindi tulad ng katapat nito, na may malamasang habi, ang kutsina ay malahalaya at mangunguya. Maaari din itong pasarapin sa pagdaragdag ng latik para tumamis ito.
Dagdagan ng tubig-lihiya ang natunaw na pulang asukal. Pagkatapos, ihalo ito sa harinang-malagkit at harinang-bigas hanggang matunaw nang lubusan. Salain tapos alisin ang mga limpak; maaari dagdagan ito ng likidong pangkulay-pula. Pahiran ang hinulma ng langis-gulay at pasingawin ito hanggang mamuo ang tuktok kapag hinawakan. Matapos alisin mula sa init, palamigin ito bago tanggalin ito ng espatula mula sa hulma. Panghuli, itabunan ito ng gadgad na niyog o gamitin ito bilang sawsaw.[2]
{{cite web}}: Check date values in: |archive-date= ()
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.