Ang kultura ng Timog Amerika ay binubuo ng maraming sari-saring mga kaugaliang pangkultura. Kinabibilangan ito ng mga kulturang katutubo na nakagawian ng mga taong naninirahan sa mga kontinente bago pa man ang pagdating ng mga Europeo. Ang kulturang Europeo ay pangunahing dala ng mga Kastila, mga Portuges, at mga Pranses. Mayroon ding impluwensiya ang mga kultura mula sa Aprika, na nagbuhat sa mahabang kasaysayan ng pang-aalipin sa Bagong Mundo; pati na ang impluwensiya ng kultura ng Estados Unidos, partikular na ang sa pamamagitan ng kulturang pangmasa na katulad ng sinema at ng telebisyon.
Tingnan din
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.