Nakabuo ang rehiyon ng kakaibang pangkat sa loob ng Subkontinenteng Indiyo, Gitnang Silangan at Gitnang Asya mula noong sinaunang panahon, at kahalintulad sa posisyong tagapamagitan ng Apganistan.[1] May mga pagkakaiba sa mga pangkat etniko sa mga aspetong kultural tulad ng suot, pagkain, at relihiyon, lalo na kung saan nag-iiba ang mga preislamikong kostumbre sa mga kostumbre ng Islamiko. Nagbubunyag din ang kanilang mga kultural na pinanggalingan ng mga impluwensya mula sa malalayong at katutubong lugar, kabilang dito ang Sinaunang Indiya at Gitnang Asya. Ang Pakistan ay ang unang rehiyon ng Indyanong subkontinente na lubusang napaektuhan ng Islam at kaya nabuo ang isang Islamikong identidad na may ibang kasaysayan sa mga silangang lugar.[1]
Panitikan
Nagmumula ang panitikan ng Pakistan noong pagkamalaya nito bilang malayang estado sa 1947. Minana ang karaniwang tradisyon ng panitikang Urdu at panitikang Ingles ng Kalakhang Indya ng bagong estado. Sa kalaunan, lumitaw ang lawas ng panitikan na walang katulad sa Pakistan, na isinulat sa halos lahat ng mga pangunahing wikang Pakistani, kabilang ang Urdu, Ingles, Punjabi, Pastun, Seraiki, Baloch, at Sindhi.
Panulaan
Respetadong sining at propesyon ang panulaan sa Pakistan. Halos palaging nagmumula sa Persyano ang nakahihigit na anyo ng panulaan sa Pakistan, dahil sa dating matagal na pagkakaugnay at lubos na paghanga ng mga pinuno ng rehiyon para sa mga ibang aspeto ng kulturang Persyano. Makikita rin ang sigasig para sa panulaan sa panrehiyong antas, kung saan ipinapagpatuloy ng halos lahat mga wikang probinsyano ng Pakistan ang legado nito. Mula noong pagkamalaya ng bansa noong 1947 at pagtatatag ng Urdu bilang pambansang wika, isinusulat din ang mga tula sa wikang iyon. Mayaman ang tradisyong panulaan ng wikang Urdu at kabing sa mga makata nito sina Muhammad Iqbal (pambansang makata), Mir Taqi Mir, Ghalib, Faiz Ahmad Faiz, Ahmad Faraz, Habib Jalib, Jazib Qureshi, at Ahmad Nadeem Qasmi. Bukod sa panulaang Urdu, nakikilahok din ang mga ibang wikang rehiyonal sa panulaan ng Pakistan. Naimpluwensyahan at nagimpluwensya ang Balochi, Sindhi, Punjabi, Seraiki, at panluaang Pashto sa panulaang Pakistani.
Mga sanggunian
↑ 1.01.1Basham, A.L. (1968), Pacific Affairs, University of British Columbia, 641-643