Kulo-kulo

Kulo-kulo
Isang kulo-kulo
Isang kulo-kulo

Kulo-Kulo
Pag-uuring siyentipiko
Kaharian:
Pilo:
Klase:
Orden:
Pamilya:
Henero:
Espesye:
G. platenae
Pangalang dalawahan
Gallicolumba platenae
(Salvadori, 1891)

Ang kulo-kulo (Gallicolumba platenae) (Ingles: Luzon bleeding-heart dove, Bleeding-heart pigeon, Bleeding-heart dove) o la-do, manatad, manuk-manuk, punay, at puñalada sa mga katutubong Mangyan ay isang uri ng kalapating mababa ang lipad na matatagpuan lamang sa isla ng Mindoro sa Pilipinas.[1] Ayon sa International Union for Conservation of Nature o IUCN, ang kulo-kulo ay lubhang nanganganib nang maubos.[2] Sadyang napakailap ng nasabing kalapati kaya di-matantiya ang nalalabing dami nito, ngunit sa pagkakatala nito bilang "critically endangered" o lubhang nanganganib nang maubos, nangangahulugang kakaunti na lamang sa 500 ang natitirang bilang nito.[1]

Tirahan at pagkain

Mula 1980, naitala lamang sa aapat na lugar sa Mindoro ang nasabing ibon. Ito ay sa Puerto Galera, MUFRC Experimental Forest, Bundok Siburan at sa Liwasang Pambansa ng Bundok Iglit-Baco. Ngunit mayroon ding mga di-kumpirmadong ulat kung saan ito'y nakita sa walo pang lugar na patunay na kalat pa ang natitirang populasyon nito.

Ang kalapating ito ay naninirahan sa mga tuyo at mabababang pangunahin at pangalawang klaseng kagubatan na natatakpan ng suson hanggang sa mga bundok na di-lalagpas ang taas sa 750m at bahagya lamang ang mga libis. Hindi alam kung ito'y lumilipat o umaalis sa kanilang tinitirhan kapag nagbabago ang panahon o upang manginain.

Karaniwang kinakain ng mga kulo-kulo ang mga nahuhulog na tuyong buto ng mga prutas, ratiles at bulati. Nakikita rin itong nanginginain sa mabababang sanga ng mga puno at sa mga puno ng balete. Naitala na tuwing buwan ng Mayo ito nagkikipagkastahan.[2]

Isang kulo-kulo
Isang kulo-kulo

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Bleeding Heart Pigeon. Official Website of Mamburao, Philippines. [1] Naka-arkibo 2011-09-14 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-16. (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2010. Gallicolumba platenae. In: IUCN 2011. IUCN Red List of Threatened Species. Version 2011.1. [2]. Hinango 2011-09-16. (sa Ingles)

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.