Klamidia

Ang klamidia[1][2] (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksiyong bakterya. Lumalabas an

Klamidia

Ang klamidia[1][2] (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksiyong bakterya. Lumalabas ang sakit na ito mula pito hanggang dalawampu’t isang araw pagkatapos na mahawa. Tinatawag din itong sakit na tulo.[2]

Mga palatandaan

Madalas na walang palatandaang makikita sa taong nahawahan na ng klamidia, partikular na sa mga lalaki. Ayon sa estadistika, pito sa bawat sampung babaeng may klamidia ang hindi nililitawan ng mga palatandaan; subalit mas madalas na ang mga lalaki ang nagiging tagapagdala (carrier) na kalimitang hindi rin pinagkakakitaan ng anumang mga sintomas. Maaari ring magkaroon ng klamidia na kasama ang iba pang uri ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung may sintomas, nagkakaroon ng pagiihing mahapdi at may kadalasan kung ihahambing sa pangkaraniwan. Nagkakaroon din ng mabahong pangangamoy sa mga ari. Kapwa din nagkakalagnat ang lalaki at babae. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng malapot at walang kulay na likidong lumalabas mula sa kasangkapang pangkasarian, at nagiging abnormal ang pagsasapanahon.[2]

Kumplikasyon

Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID), pagdadalang-tao sa labas ng matris o ektopikong pagbubuntis (Ingles: ectopic pregnancy), pagdurugo pagkaraang makipagtalik, hindi normal na pagreregla, rayuma at pagkabaog.[2]

Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng namamagang bayag, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mga mata (Ingles: conjunctivitis, sore eyes), pamamaga at tulo sa lalamunan (Ingles: pharyngitis).[2]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "Klamidia, chlamydia." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine., HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksiyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong 8 Agosto 2008
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 “Klamidia, chlamydia” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.