Ang Kingstown (lit. "Bayan ng mga Hari") ay ang kabisera, punong daungan, at pangunahing sentrong pangkomersyo ng San Vicente at ang Kagranadinahan. May populas
Kingstown | |
|---|---|
Kingstown, San Vicente | |
| Palayaw: City Of Arches[1] (Lungsod ng mga Arko) | |
| Mga koordinado: 13°09′28″N 061°13′30″W / 13.15778°N 61.22500°W[2] | |
| Bansa | San Vicente at ang Kagranadinahan |
| Pulo | San Vicente |
| Parokya | San Jorge |
| Itinatag | 1722 |
| Populasyon (2012)[3] | |
| • Kabuuan | 12,909 |
| Sona ng oras | UTC-4 (UTC-4) |
| Kodigo ng lugar | 784 |
| Klima | Af |
Ang Kingstown (lit. "Bayan ng mga Hari") ay ang kabisera, punong daungan, at pangunahing sentrong pangkomersyo ng San Vicente at ang Kagranadinahan. May populasyon na 12,909 (2012),[3] ito ang pinakamataong paninirahan sa bansa. Sentro ng industriyang pang-agrikultura ang Kingstown at isang pasukang daungan para sa mga turista. Matatagpuan ang lungsod sa loob ng parokya ng San Jorge sa timog-kanluran sulok ng San Vicente.[4]

Naitatag ang makabagong kapital, ang Kingstown, ng mga kolonistang Pranses dagliang pagkatapos ng 1722, bagaman pinamamahalaan na ang San Vicente ng mga Briton sa loob ng 196 taon bago ang kalayaan nito.[5]
Ang harding botaniko, nilikha noong 1765, ay isa sa pinakaluma sa Kanluraning Hemisperyo. Dinala ni William Bligh, na naging sikat sa Pag-aalsa sa HMS Bounty, ang buto ng puno ng rimas dito para itanim, c. 1793.[6]
Napapaligiran ang bayan ng matatarik na mga burol.[7]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.